Para sa Una kong Minahal

by Kim Bicos | shared on He Said, She Said

Malinaw pa sa isip ko yung araw na huli tayong nagkita:
palubog na ang araw non at hinihintay kita sa paborito nating tagpuan.
Nandun ako, handang magpakumbaba mula sa away ng kahapon.
Kampante pa rin, dahil alam kong magbabati rin tayo.
Dahil ganoon naman tayo di ba?
Kahit ilang beses sabihin na
“Ayaw ko na”,
” Tama na”,
at “Pagod na ko”,
muli’t muling babalik tayo sa isa’t isa.”Walang kasawaan,” hindi ba?

Ngunit mahal, anong nangyari?
Bakit nung dumating ka,
Ni walang halik o yakap man lang?
Pati ang mga mata mo na puno ng sigla
sa tuwing makikita ako
ay tila naging matamlay na.

Mahal, umaayaw ka na?

Pero, alam mo—
nung naghiwalay tayo ng landas,
nagsisi ako.
Nagsisi ako na di kita nilingon,
Nagsisi ako dahil di ko nakita
kung umiyak ka ba,
Kung nasaktan ka rin ba,
Nahirapan ka rin ba
noong sinabi mo na,
“Ayaw ko na…

…dahil may Iba na”.

Noong gabing yun halos wala akong pahinga,
Di ako makatulog,
Di ako makakain,
Di ako makangiti,
Di ako makatawa
Di ako makaramdam.

Sa sobrang sakit ng ginawa mo
hindi na ko makaramdam.
Namanhid ang puso ko
na pinuno mo ng suklam.

Inis.
Galit.
Pagkasuklam.

Inis, galit at pagkasuklam
dahil minsa’y sinabi mo na
“Mahal, tayo lang.
Mahal, ikaw lang.
Ikaw lang at ako
hanggang sa malagutan
tayo ng hininga.”

Pero mahal, bakit may Iba na?

Ganun nalang ba sayo kadali ?
Na itapon at kalimutan ang apat na taon?
Mga taong pinuno ng kasiyahan,
pangako at mga pangarap.

Naalala mo pa ba ?
Noong gabi na umiiyak ako
dahil sabi ko pagod na ko,
na di ko na kayang ituloy
and mga pangarap ko?
Sabi mo, “Mahal,
kaya mo yan.
Kahit anong mangyari
itutuloy mo yan
at itutuloy ko rin ang pangarap ko.
Sabay nating aabutin
anng maningning nating tagumpay”

Naniwala ako dahil akala ko may
makakasama ako sa paglalakabay
papunta sa mga bituin ng tagumpay.

Pero mahal, bakit may iba na?

Marahil nagsawa na nga ang tadhana,
Hindi—nagsawa ka.

Nagsawa ka na sa mala-pambata kong pagsuyo.
Nagsawa ka sa madalas kong pagtanong,
Kung saan tayo tutungo.
Nagsawa ka na sa magulo kong mundo.
Nagsawa ka na kaya humanap ka
ng iba.

Ngunit gayon pa man,
sana masaya ka—
kahit sa loob loob ko
ay masakit talaga.
Sana masaya ka—
Kahit, mahal pa kita.
Sana masaya ka
dahil sa wakas,
malaya ka na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleUs
Next articleNawasak ng Panahon