Rise up

by Chibs | shared on He Said, She Said |

Ito na nga’t hindi na tuluyang nalunasan.
Sinira na ng katahimikan.
Asan na nga ba ang sinimulan?
Nasayang lang ang magandang pinagsamahan.

Ano ba ang nagawa’t biglang iniwan?
Ano ba ang nagawa?
Bakit ang pag-ibig mo saki’y biglang nawala?
Anong rason?
bumitiw ka agad, Sinusubok lamang tayo ng panahon.
Binitiwan mo ko, at hindi na nakaahon.
Ngayon, Kailangan kong bumangon, at harapin ang panibagong hamon.

Sadyang mahirap kalimutan ang taong nagi’ mong inspirasyon.
Para maging matatag at maging matibay ang pundasyon.
Siguro’y dumating ka lamang sa buhay ko, para magsilbing leksyon.

Ahon,Bangon.
Dalawang salita, na kailangan gawin para makaalis sa kumunoy na lason.
Ahon! Kalimutan ang mga masasakit na dinulot ng kahapon.
Bangon! At magkaroon ng panibagong lakas at magandang pagkakataon.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments