Tuloy Lang

by Makatang Rosas | shared on He Said, She Said |

Lumalakad ng para bang nakalutang,
Sa mga paa ko’y tila may umaabang;
Nagsasamo at usal humayo lamang,
Tahakin mo ang iyong landas, tuloy lang.

Sa tapang alam kong ako’y sadyang salat,
At yaong katawan ko sa lakas ay payak;
Ano pa nga’t kung sa laban t’yak ng wasak,
Tatag lang ng dibdib ang pasasalamat.

Tulad ng tinatahak ko sa pag-ibig,
Simbigat na yata ng ating daigdig;
Tila di na malinaw gaya sa tubig,
Parang punyal tumatarak sa’king dibdib.

Nalilito, hanap ko ay kasagutan,
Dinadama ang dating nararamdaman;
Kung sa puso niya pa ay naririyan,
Ang sintang pag-ibig n’ya’y inalayan.

Sa buhay na hitik sa uri ng kwento,
Malungkot, masaya o nakakalito;
Pilit pa akong susuong sa pagtayo,
Sagabal ma’y marami, lalaban ako.

At kung inaasahan ko’y ikaw lamang,
Tatahakin ang landas ako’y tuloy lang.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments