Untitled

by Ancherain Gorospe | shared on He Said, She Said |

Poot at galit ay naramdaman ng aking nalaman
Dahil sakanya, kaya ako’y iyong iniwan
Damang-dama labis na kalungkutan
Mga pangako mo’y bakit kinalimutan?

Bakit ang pag-ibig ay sadyang mapaglaro?
Sinasaktan ang siyang nagmamahal ng totoo
Ibinigay na ang lahat, pati ang aking mundo
Ngunit heto ako nilisan mo mahal ko

Wari ko’y sakanyang piling, ika’y masaya
Walang bahid ng kalungkutan sa’yong mga mata
Siguro nga’y hindi tayo ang para sa isa’t isa
At ikaw, ay sakanya lamang itinadhana

Sa Diyos aking panalangin
Dinadala ko sana’y tangayin na ng hangin
At ikaw sinta, ay akin ng lilimutin
Nang gumaan nitong aking damdamin

Ngunit sa gabi’y gising ang aking puso
Bakit ikaw pa din ang tinitibok nito?
Sa aking isipan, ikaw ay naglalagi
Oo na, ako angvtalo atbikaw ang nagwagi!


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments