Wasak na

by Carmi Digno | shared on He Said, She Said |

Di mo alam kung gaano kahirap
Ang tanging alam mo lang kaya ko
Dahil yun ang nakikita mo.
Pero sa totoo lang bibigay na ko.

Hiniling mong magintay ako
Binigay ko kahit nasasaktan nako.
Sinabi mo magtiis ako
Walang alinlangan sabi ko oo.

Tumingala ako sa alapaap
Nanalangin na sana matapos na
Lahat ng paghihirap
Tanging pinanghahawakan
Ay pangako mong mamahlin ako
Ng walang hanggan.

Hanggang kelan mo ko pagiintayin mahal?
Hangang kelan ba ko aasa?
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
Dahil ang puso ko’y wasak na wasak na.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments