Di Ako Priority

Hello po. May boyfriend po ako then okay naman kami dati, madalas ko po siyang hindi pinapayagan sa mga inuman, kapag inuman lang namn kasi wala namn maidudulot na maganda sa kanya yun, tapos nalaman ko nag sisinungaling sya para lang makainom syempre masakit yun. Pero sabi ng mga kaibigan namin wag ko daw gawing big deal pag sisinungaling niya. Kaya magkaaway kami ngayon.

Mag kaaway kami ngayon at di man lang nya ako kinakausap as in wala man lang sorry wala di sya nag oonline para magawa nya mga gusto nya.

Napapagod na ako sa kanya nasasaktan kasi ako, wala akong honesty na nakukuha sa kanya. At ayoko kasi sa sinasamahan nyang uminom kaya di ko sya pinapayagan.

At ang ugali kasi ng bf ko di namn nya ako priority puro barkada priority nun eh tapos di nga siya nakakaisip mag date kami hindi na sya gumagawa ng plano para sa amin. Wala na parang wala nalng ako sa kanya pag magkagalit kami hindi yun mag so-sorry hindi din ako susuyuin para magawa nya gusto niya. Di ko na alam gagawin sa kanya kung dapat ba hiwalayan ko na or ano?

-Kendra

OUR REPLY:

HE SAID: Hello Kendra. Commitment is key to a loving relationship. Pag wala yun, wala na din ang true love at true inteions niya. Then pati yung caring o pag-aalaga, nawawala na rin. So why stick with this guy? Bitaw na. Ikaw na lang ang lumalaban sa relasyon na tila wala naman talaga. Maghintay. Ipagdasal. May darating din na tunay na magmamahal sa yo. – Tito Homer

SHE SAID: Hi Kendra. Sayo na din nanggaling na hindi ka priority, hindi ka sinusuyo, hindi ka niyayaya mag date, hindi nagso sorry. So ano pa sa tingin mo ang kailangan para malaman mo na bale wala ka sa kanya. Masakit tanggapin ngunit sa kwento mo yan ang nakikita ko. Baka nga oras na para maghiwalay kayo. Baka sakali ma realize nya na importante ka din pala. Ngunit kapag hindi na siya bumalik, sa palagay ko mas makabubuti ito sa iyo. Pray for strength and guidance. The Lord loves you and He will not abandon you. God bless! – Tita Jinky

(Visited 2,258 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments