Paulit-ulit na Niloloko ng Asawa

Niloloko ng Asawa

Hello po. Paulit-ulit po akong niloloko ng asawa ko, sabi n’ya hindi nya daw ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Hindi n’ya daw kayang maging tapat sa’kin. Masasayang lang daw ang pagmamahal ko sa kanya, kahit ganun po lumaban pa rin ako, masakit po sakin na hindi maibigay ng buong pamilya pra sa mga anak ko.

Di po ako sumusuko agad-agad. Ginawa ko po ang lahat para di kami magkahiwalay, pero sadya po talagang di ko na maloko ang sarili ko. Ramdam ko naman po na hindi talaga ako mahal ng asawa ko. Inaamin n’ya po sa’kin na takot s’yang baka hindi daw namin kayanin kapag wala s’ya o baka hindi n’ya kayanin kapag wala na kami sa kanya. At ang gusto n’ya maghintay lang kami sa kanya dahil hindi daw n’ya naman kami pababayaan.

Di ko na po kaya. Dumating na po ako sa point na di na ako nasasaktan. Wala na akong maramdaman. Sira na po talaga ang pagsasama namin.

Sabi nila galit daw si Lord sa wasak na pagsasama at pamilya. Dapat daw magtiis lang ako dahil magbabago din daw naman ang asawa ko.

Pero di ko na po kaya.

Anu po ang tama kong gawin? Tulungan n’yo po akong maliwanagan.

Help me po na makita ang will ni Lord sa ‘kin, Thank you po.

– Let
(Di tunay na pangalan)

What we advice…

Hi Let. I am a devout Catholic. And I value family relationships. Pero kung ang haligi mismo ng tahanan ang sumusira sa pamilya, ang opinyon ko, sa akin lang ito ha, kasi napakahirap ng sitwasyon mo. Kung ako ang nasa lugar mo ay iiwan ko na siya.

Bakit? Una, hindi na siya nakakatulong sa emotional, spiritual, and physical condition mo. Pangalawa, hindi siya magandang ehemplo sa mga anak mo. Pangatlo, may karapatan ka din naman sumaya. Pang-apat, kung hindi na din asawa ang tingin nya sa iyo ano pa ang silbi ng pagsasama nyo? Madami pang dahilan, ngunit sa huli desisyon mo pa din ang masusunod. Pray hard before deciding. Talk to a priest if you’re Catholic or pastor if you’re Christian. God bless.

– Tita Jinky

Magandang araw, Let. Sa akin, bilang lalaki, di naman din ako magmamalinis sa aking nakaraan. Ngunit sa aming pagsasama ngayon ng maluwat, malaking bagay ang papel ng pagdarasal. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo at nandun ka na sa hangganan ng pisi mo. Mas makakabuti ang maraming magdarasal sa yo. Magsabi ka sa yong pastor o pari. Magsumamo ka sa Diyos para sa pagbabago ng iyong asawa.

Share ko sayo ang prayer na ito:

PRAYER TO ST. MONICA

Dear St. Monica,
troubled wife and mother,
many sorrows pierced your heart during your lifetime.
Yet, you never despaired or lost faith.
With confidence, persistence, and profound faith,
you prayed daily for the conversion
of your beloved husband, Patricius,
and your beloved son, Augustine;
your prayers were answered.
Grant me that same fortitude, patience,
and trust in the Lord.
Intercede for me, dear St. Monica,
that God may favorably hear my plea for

(Mention your intention here.)

and grant me the grace to accept His Will in all things,
through Jesus Christ, our Lord,
in the unity of the Holy Spirit,
one God, forever and ever.

Amen.

– Tito Homer

 

(Visited 4,468 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleTama Na
Next articleBliss