Advice: Siya, nag move on na. Ikaw hindi pa.

move on

Hi po. Kailangan ko lang po ng tulong. Nabasa ko po kasi yung post nyo na pwedeng i’pm tong page na to. Tulong lang po Kung ano pong gagawin ko sa ex boyfriend ko.

Two years na po kaming hiwalay. Pero hindi pa rin ako makapag move on. Napapaniginipan ko pa din s’ya pag gabi. Mayroon pa din kaming communication pero madalang nalang din kami mag usap. Ang problema po is sa loob ng 2 years naming hiwalay nagkaroon s’ya ng GF, opo meron s’yang GF ngayon.

Nagkita kami nung minsan to clear out everything and he said to me na nabigla lang daw sya sa mga nangyari. Hindi nya maiwan yung gf nya dahil nagmamakaawa at lumuluhod pa daw ito pag nakikipaghiwalay sya. Sinasabi n’ya pa din sa akin na ako daw ang mahal nya. Minsan may times po na ayaw ko na syang bumalik dahil sa mga nangyari. Pero may nararamdaman pa din po ako sa knya kaya di ko na po alam ano gagawin ko. Litong lito na tlga ako. Paano po ako makakapagmove on or ipaglalaban ko pa ba yung pagmamahal ko sa kanya?

– Beatriz
(Di tunay na pangalan)

What we advice:

Hello Beatriz. Ano pa ang ipaglalaban mo? Two years na kayong hiwalay. May girlfriend na sya. It’s very clear na yun ang pinili nya. Because if he loves you hindi ka niya sana iniwan. Moving on is a decision that you should make. Yan ang unang step. Kailangan desisyunan mo na handa ka na mag move on. You’re stuck for two years because you are still hoping na babalikan ka niya. Well kahit ano pa ang sabihin niya, hindi totoo yun. Sorry but i need to be honest. Stop talking to him. If and when you decide to move forward, i think everything will be easier. So ano? Move on na. Papayag ka ba siya lang ang masaya? God bless.

– Tita Jinky

Malinaw naman Beatriz na desisyon talaga ang pag move on. Magsimula ka na ngayon. Baby steps lang. Basta simulan mo sa pagdarasal araw-araw. Malalampasan mo din yan. Ipagdarasal ka namin.

– Tito Homer

(Visited 4,449 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleI am busy today
Next articleTama Na