Ikaw na nga ba?

from message sender “Faye” |

(We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.)

Hi po. Gusto ko lang po sanang humingi ng advise.

May nanliligaw po sa ‘kin kakauwi lang from Singapore. Last April 2016 ko po siya nakilala through chat because friend and workmate siya dati ng officemate ko ngayon kaya niya daw ako na-add as friend dito sa FB.

Unang-una pa lang nagpakita na po siya ng interest sa ‘kin. Lagi nya akong china-chat at minsan nagvi-videocall siya through FB messenger, so hinayaan ko lang. Ok naman siya for me kasi mukha naman po siyang mabait at kaya niyang panindigan lahat ng sinasabi niya sa ‘kin.

Until one day, nag-start na ‘kong makatanggap ng surprises galing sa kanya like flowers, chocolates and stuffed toys. Wala nman po siyang sinasabi na nanliligaw siya pero siyempre obvious naman po yun di ba?

Tapos po sabi niya malapit na siyang umuwi kaya nung October umuwi na nga siya from Singapore. Nagpunta siya sa bahay namin although ang layo pa ng pinanggalingan niya. Dun pa lang nakitaan ko na kaagad siya ng effort.

Nung mga sumunod na araw inamin niya sa ‘kin na mas nagustuhan pa niya ako ngayon na na-meet na niya ako in person at gusto niya nga daw akong ligawan so hinayaan ko lang siya.

Ang gusto ko lang po sanang itanong is bakit kaya ako naguguluhan ngayon? Nakaka 3 dates na kami and yet di ko pa din nararamdaman na gusto ko sya. Masama po ba ako? Feeling ko kasi ‘pag ni-reject ko siya sobra siyang masasaktan dahil sa dami ng pinadala niya sa ‘kin.

Kaya po sobrang nahihirapan po ako kung dapat ko pa bang ituloy na pag-aralan na magustuhan siya at sana dumating din sa point na mamahalin ko din siya.

Natatakot po akong magkamali ng desisyon at the same time nagi-guilty dahil baka nararamdaman niyang wala pa din akong gusto sa kanya.

Paalis na nga po pala ulit siya sa isang buwan kaya parang feeling ko minamadali na niya ako na sagutin ko siya, maybe for assurance. Kaya mas lalo po akong naguguluhan. I’ll wait po for your response hoping na matutulungan niyo ako.

Thank you po and more power.

“Faye”

He Said, She Said: Hi Faye, thanks for your message. We applaud your sincerity in this situation. You are strong-willed. Di ka nagpapadala sa chats, gifts etc. Actually, hanga kami sa ‘yo kasi nasabi mo ang nasa puso mo.

Sa madaling salita, di mo siya dapat sagutin kung di yan ang nararamdaman ng puso mo. Kung tipong nagmamadali siya, at di siya makakaantay, di siya para sa ‘yo.

Di mo siya dapat pag-aralang mahalin. Paano kung di naman siya ang itinakda ng Diyos para sa ‘yo?

Mas mahirap bawiin ang desisiyon kung sakaling biglang dumating na ang ‘The One’ mo, di ba?

Huwag kang magpa-pressure. Sa halip, sabihin mo ang totoo — na hindi ka pa handang sagutin siya ngayon. Kung talagang may pagtingin siya sa ‘yo, dapat mag antay siya. Kung di niya kaya, then he does not deserve you. That simple.

Pray for God to give you wisdom, clarity and strength to withstand pressure. God has a plan for you and for sure, it’s perfect.

Reply from Faye:

Opo tama po. Thank you po. 🙂
There’s a perfect time. God’s will.

We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.

Feel free to send us a private message on our Facebook Page or comment below.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments