Paano Ba Magmahal?

paano ba magmahal

ni Ira Manabat

Para sa nagmistulang Gino ng buhay ko.

Ang sarap pakinggan, oo ang sarap pakinggan. Ang sarap pakinggan ng bawat musikang dinala mo. Nang bawat lyrikang nagpapatibok ng puso ko. Nang bawat notang nagtatama sa lahat ng pagkakamali ko. Nang bawat tugtog na tila nagmimistulang direksyon ng buhay ko.

Ang sarap.

Ang sarap pakinggan. Ng mga araw na tibok ng puso mo lang ang gusto mahimigan. Mga araw na paghawak ng kamay mo lang ang tanging kailangan. Mga araw na ang direksyon ay pareho pa ng kapupuntahan. Mga araw na gitara lang ang syang hadlang. Ang sarap.

Pero tapos na.

Tapos na ang lahat ng ito. Natapos na nung ginawa mong pabor ang pag alis ko. Na ang pag ayos kailanman ay hindi naging pagpipilian ng desisyon mo. Tapos na mahal ko. Nasunod na ang hiling mo.

Kaya, Ako naman.

Ako naman, Pakiusap yun na ang huli, Ayoko ng dumating sa puntong di ko na kayang magmahal muli hayaan mong sarili ko ang aking mapili, kasi mahal. Pagod na ‘ko masawi. Hayaan mong makabangon akong muli hayaang mong ako na ang maglinis ng iniwan mong dumi. Pagod na ‘ko mahal.

Pagod na ‘ko pero Kaya ko pa.

Kaya ko pa ayusin yung sarili ko. Kaya ko pang magpanggap na ayos na ‘to. Kaya ko pang paniwalaing malalagpasan ko ‘to tulad ng paglagpas mo. Kaya ko pa. Kinakaya ko pa.
Kaya pakiusap eto na ang huli. Sa pabor ko ay ‘wag kang humindi. Mahal, Pakiusap ‘wag mo na ‘kong pataying muli.

Trixie.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments