Sweet or Brutal Revenge?

by Bitchay | shared on He Said, She Said |

Marami nagtatanong kung paano magmove on.

Mamili ka lang sa dalawa. Lahat ng nasaktan ay gusto ng revenge. Pero ikaw ang mamili kung ano sa dalawa. Ito ay hindi haka haka lang kundi isang sariling experience ko sa dalawang tao nasaksihan ko kung paano nagpakatanga at nagpakatanga at nagpakatanga at nagpakatanga ulit. Hanggang nakuwa nila ang tamang sagot. Unahin natin ung Brutal Revenge.

Literal na kahulugan brutal. Brutal ka sa mga taong nakapaligid sayo and worst sa sarili mo. Ito ung umabot ka sa punto na nakamove on ka na sana eh. Kaya nirefresh mo lang lagi ung sakit na nararamdaman mo ‘pag nawawala na ito. Brutal di ba? Nagmomove on ka ba? Tingnan na natin kung ikaw ay nasa Brutal Revenge. Lagyan natin ng signs.

1. Si unblock at block ka ba? Sa sa social media. Unblock mo kung masaya ba siya, masaya ba siya sa bago niya kahit ilan taon ng nakalipas. Gusto mo malaman kung sila pa. Kasi magiging masaya kapag malungkot siya at tama ang sinabi mo. Pero kapag nakita mo na masaya sila o siya maglulungkut-lungkutan ka na naman tapos i-block mo na naman siya.

2. PALITAW! Ito ung magugulat na lang sila sayo na para kang palitaw. Message request! Ung POSER PA MORE. Ung mag e-effort makipagtalo sa Facebook, o Twitter. Tapos kapag pinatulan ka lalo kang magagalit. May reason ka na naman para magalit. Dagdag emotional baggage na naman.

3. THE SPREADER. Ito bawat makita mong kakilala mo ay iku-kuwento mo ung paano ka niya sinaktan. Paano kayo naghiwalay kaya lang tandaan mo hindi lahat ng tao ay interesado sa nararamdaman mo ung may mai-topic lang sa ‘yo. At tandaan mo hindi titigil ang mundo dahil nasasaktan ka. Walang ganun!

4. THE SECOND CHANCE EFFECT. Minsan ang panonood na movie na hindi naman ideal sa kuwento ng pagkabigo ay hindi nakakatulong. False hope lang ang binibigay mo sa sarili mo. Tapos pag napanuod mo si Basha, i-apply mo tapos i-text mo siya. Sana ako na lang ulit. Ang malupit niyan nireplyan ka sabi sa ‘yo “Who You?” o kaya WTF it’s been 3 years. Stop. Brutal naman. Minsan ang kuwento sa pelikula ay hindi mo kuwento kaya. Brutal Revenge.

5. SUGOD ANG PEG. Sana girls ‘wag natin ito gawin lalo na kung wala na tayo karapatan. Yung makikita mo sila sa isang kainan na nagtatawanan bigla kang sumugod at binuhusan ng kung ano man ang may hawak ka. Naku! Brutal lalo na kung pinatulan ka at ikaw ang nilampaso. Kasalanan man ng taong mahal mo o hindi mag iskandalo ka kapag kayo pa. Pero kung hindi na brutal un sa sarili mo. Nasaktan ka na nga pinagtsismisan ka pa. Ang brutal kasi dagdag sakit na naman.

6. THE BUZZ. Sus! Susunod. Parang ganito ang away sa social media. Yung nakipag away ka sa Facebook ng pinagpiyestahan ng ibang tao. Haaaaaaay. The Buzz. Kasi nagnotify na sa ibang tao ang personal na away mo. Na nasaktan ka, pinagmukahang tanga. Ang tanong naawa ba sayo ang mga friends mo sa FB. Tingin tinitingnan lng nila yung susunod na balita. Parang The Buzz lang.

Brutal Revenge. Ang ibig sabhin lang gumawa ka ng kadumihan sayong puso na maaring makasakit lang sa ‘yo o ilang ulit mo lang pinupokpok ang sarili mo. Kung masakit dahil nasaktan ka talaga nandamay ka ng iba kaya lang bandang huli. Noong natauhan ka na doble ang sakit pala ang mas naramdaman mo pinaggawa mo. Ayun talo. Wala ka ng magawa. Dahil naging Brutal ka sa sarili mo.

Doon naman tayo sa kabaliktaran, ang Sweet Revenge. Ito ung tipong para kang makaganti ng wala kang sinaktang tao. Pero Paano mo yun gagawin?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments