Ubos na Ubos

ubos

from message sender “Judy” |

I am 26 years old, currently pursuing my master’s degree when I decided na magwork muna sa ibang bansa. Single ako kaya I got bored, gumamit ako ng WeChat at nakilala ko si babyboy. Hindi ako interesado sa mas bata sakin, kaya after ko malaman that I am older, I unfriended him sa WeChat. He added me again, naisip ko na lang na hayaan ko na, may makausap man lamang. He’s a pastry chef pero walang work that time and he depends on his mom.

We became close and eventually naging kami. Nagkaroon din sya ng work nun pero sandali lang, he complains a lot sa work nya at sa nangyayari sa buhay niya. Until he said na babalik na sya sa Pinas for good kaya I resigned and planned to stay here sa Pinas din with him. Sa kasamaang palad, his mom decided to go back with him sa Middle East. Inunawa ko. Maikli lang ang one year, makakapag-antay pa ako.

Days after nya bumalik sa ibang bansa, may nagmessage sakin na babae, claiming to be his girlfriend. I told him about it, and he said na nanggugulo lang. Babae ako. I sensed na may maling nangyayari. Later on, that woman was claiming na buntis siya. Mahal ko si guy. Kaya ipinaglaban ko kay ategirl at dahil na din pinili ako ni kuya mo. Only to find out in the end na hindi pala talaga siya buntis.

Lumipas ang ilang araw, akala ko okay na. Behind my back, nagkaayos na pala sila. Every week ganun yung scenario. Malalaman ko na okay sila. Papipiliin ko siya. Ako ang pipiliin niya pero nakikipag-usap at nakikipag-ayos pa din siya kay ategirl. Sa nakalipas na tatlong buwan, he was broke, he was nothing. Hindi na siya yung lalaking nakilala ko noon. Pero nagtyaga ako. Sa tuwing nagfefail siya sa mga interviews niya, nandun ako to motivate him not to give up. I always talk to him about faith and about God. Slowly, may progress na, yun nga lang si ate girl, ayaw tumigil, magpopost ng daring pics na ayaw ni kuya mo dahil nga gusto niya na kahit magkahiwalay na sila eh maayos si ate girl. The cycle continues.

Okay kami, magpopost si ate girl ng picture sa fb para mapansin siya ni kuya mo, magkakaayos sila, malalaman ko, pipiliin ako, aawayin ko si ate girl. Ganun kami for three months. Kapag nagtatanong ako kay kuya mo kung bakit ganun, he would only say na wasak siya at naguguluhan. I still stayed. Mahal ko eh saka alam kong mahal ako.

Dumating yung time na nagkawork na sya. However, nakikipagcommunicate pa din siya kay girl. Kinausap ko na si ate girl, wala na daw siya pakelam. I told her na iblock na lang si kuya mo, para tapos na ung problema. Pero ayaw niya ganun din si kuya mo.

The saddest part is, may bf na si ate mo girl ngayon, pero si kuya mo biglang naguluhan, gusto makipag-ayos kay ate mo girl. Running 4 months ko na inilalaban. Pero nararamdaman ko na parang mapupunta lang sa wala ang lahat ng ginawa ko. 😞 Tinanong ko siya kung mahal niya ako, oo naman daw. Pero ang sakit kasi na hindi ako pwedeng magalit sa kanya sa nangyayari, kasi kapag nagalit ako, mawawala sya sakin. 😞 Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang. 😞

Ubos na ubos na ubos na ako. Siya na lang ang rason kaya lumalaban ako pero hindi ko na alam.

“Judy”

Hi Judy, the decision you have to make is very clear. If you’re the only one fighting for the relationship, then it’s time to go. It’s also very clear that the guy is not for you. His indecisiveness in practically all things is a big burden to you. Accept that it’s over. We can see a better future for you sana. You know this. Start your life over. God has better plans for you. You know that in your heart. baby steps. Just keep moving forward, ok? – Tito Homer & Tita Jinky

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleHow to Unlove You?