Balang-Araw…Siguro

by Quennie Lyn Dayo | shared on He Said, She Said

Siguro, kung hindi natin ipinilit baka mas naging maayos.

Siguro kung hindi tayo nagbakasakli, baka mas hindi agad magtatapos. Siguro kung hindi tayo nagpadala sa nararamdaman natin sa isat isa, baka kaya ko pa ding hawakan ang mga kamay mo habang naglalakad tayo na para bang walang ibang tao dahil may sarili tayong mundo.

Oo, mundo nating dalawa na binuo natin sa mga pag asang magtatagal tayo. Mga pag-asa na katulad ng palubog ng araw twing dapithapon na alam nating sisilay muli pagdating ng bukang liwayway. Mundong walang ibang tao, kundi ikaw at ako. Ikaw, na kahit hindi mo mapagtanto ang totoo mong nararamdaman para sa ‘kin. At ako, na handang hintayin ang lahat ng mga kasiguraduhan mo na balang araw, masasabi mo hindi lamang sa harapan ko, kundi sa harapan ng libu-libong tayo.. na “Ikaw, ikaw talaga ang mahal ko.”

Hanggang kailan ako aasa sa ilang paglubog at pagsilay pa ng araw ang hihintayin ko bago mo mapansin na andito lang ako sa tabi mo. Hindi kita kayang iwan kahit wala na ang araw sa kalangitan. Kahit nabalot na ng dilim ang langit na kulay bughaw, at unti-unti ng sumisilay ang mga bituin sa kalangitan kasabay ng pagpapakita ng buwan sa ating dalawa. Sa ating dalawa na hanggang ngayon ay patuloy na nangagapa pa din sa dilim habang pilit nating inaayos ang mga bagay na nasira na sa paglipas ng panahon. Napabayaan nating lumubog ang araw na hindi natin naaayos ang gusot na dulot ng sakit at pighati na hindi din naman natin malaman kung saan nagmula.

Masaya tayong dalawa habang patuloy na umaasa na kasabay ng pagsilay ng araw bukas ng umaga, liliwanang na ding muli ang isipan natin at mapagtatanto mo na ulit na ako ang iyong pinilipili. Pinili mo ako dahil takot ka. Takot kang lubugan ng araw na mag-isa.

Hindi mo kayang mag-isa, na wala ako sa iyong tabi pero sinta, sana alam mo din na dapat hindi lang ako nasa iyong tabi. Dapat alam mo na kailangan ko ding maramdamang masaya ka sa piling ko habang nakaupo tayo sa dalampasigan, naghihintay na sumikat at lumubog ang araw sa pag-asang magliliwanag na ulit ang madilim nating kahapon.

Mahal kita. Mahal mo ba ako?

Balang-araw. Siguro.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments