Buwan ng Tag-Ulan, Kasabay ng Iyong Paglisan

Buwan ng Tag-Ulan Kasabay ng Iyong Paglisan

ni Maria. Ahra

Sa walang sawang pagbuhos ng malakas na ulan. Nakisabay ang pagpatak ng luha ng pusong nasugatan. Sa mahabang panahon na pagkikimkim. Ay tila naipon ang sakit na hindi na mailihim.

Naalala ko pa-
Nung gabi na tinanong kita.
“Mahal mo pa ba siya?”

“Hindi na. Kase mahal na mahal kita.”
Tugon mo.

Gumuho yung mundo ko nung mga sandaling iyun. Ilang sigarilyo nga ba ang naubos ko. Ilang bote ng alak ang nainom ko.
Sa ganun paraan ko pinakalma ang sarili ko. Pero tila di kayang langgasin ng alak ang sugat na natamo ko.

Sapagkat sa kabila ng mga salitang sinambit mo.
“Kase mahal na mahal kita.
Ay hindi nangangahulugan na ako ang pipiliin mo.
Dahil alam ko sa pagitan namin dalawa.
Umpisa palang talo ako.

Sapagkat kahit anong gawin kong pagkapit ay hindi mo siya kayang ipagpalit.

Nadurog ako. At nadudurog ako.
Ngunit wala akong ibang magawa upang manatili ka sa tabi ko.
Kundi magtago.

Maglakad sa gitna ng malakas na ulan at piliing mag-isa.
Kulungin ang sarili habang nakikinig ng musika.
Alak at sigarilyo ang naging sandalan ko.
Habang pinaglalamayan ang sariling nawasak ng husto.

Ngunit sa kalagitnaan ng madilim at malalamig na gabi.
May naging malinaw sa’kin sa parte na yun.

“Na kahit ibigay pa natin ang lahat hindi pa rin tayo magiging sapat, sa taong hindi dapat.”

Hindi na ko nagtatanong kung bakit ako naiwan. Dahil alam ko naman na ni minsan hindi ako nagkulang.

Ngunit alam mo kung ano yung naging mas masakit? Hindi yung naiwan na alaala. Hindi yung nasayang na panahon. Kundi yung mga alaala na nabuo mo na dapat ay kasama ako.

Ngunit hindi,
Sapagkat mahal mo lang ako ngunit hindi ako ang tahanan na uuwian mo.

Tagulan

(Visited 4,476 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments