Cold ka na

by Bu | shared on He Said, She Said |

Hi Boo,

I know this past few days masyado kang overwhelmed sa work. Yung halos late kana nakakakain kasi marami kapang kelangan gawin. Sorry pala kung nasanay na ako na ako yung taong hinahanap mo sa tuwing nase-stress ka. Na sa tuwing uuwi ka, videocall agad ang request mo kasi napapagod ka at gusto mo ‘ko makita. Alam ko naman na yung pressure na nasa ‘yo ngayon mas mataas pa kesa sa height mo.

Naiintindihan naman kita. Sorry if nasanay ako sa naging routine natin mula nung umuwi ka ng Bacolod. Mula nung umuwi ako galing dyan nung nag 4 days leave ako. Sobra ko na bang nakukuha ang oras mo? Napapagod kana ba na ganito ang routine natin? Napapagod ka na ba na kausap mo ‘ko? Na kung noon halos malunod ako sa mga “I love you, mahal kita” mo? Na noon sa tuwing hindi ko masagot tawag mo naiinis ka agad.

Sorry kung naninibago ako sa changes na nangyayari sa ‘tin.

Alam ko naman na wala akong karapatan mag complain kasi hindi pa tayo. Hindi ko na rin alam kung aabot pa ba tayo sa gabung stage. Sorry rin kung may panahon na sinabihan kita na sana kamustahin mo rin ang araw ko like we used to do before ka na promote. Na halos isang oras na lang kitang nakakausap kapag nasa bahay ka na kasi pagod ka na at gusto ko na magpahinga.

Boo? Hindi na ba kita napapasaya? Hindi na ba ako yung taong nakakaalis ng stress mo? Hindi na ba ako yung taong gusto mong makita (videocall) kapag nakauwi ka na?

Boo may bago na ba na nagpapasaya sa ‘yo sa panahon na stressed ka at malayo ako sa ‘yo?

Or may bumalik ba kaya cold ka na?

Bu


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePala-isipan
Next articleI can hear you breathe