Dear Crush

Dear Crush

ni Darren Mark Mateo Bragais

Dear Crush,

Nung unang beses na nakita kita, tanging panalangin tayo sana’y magkalapit kahit kaibigan lang. Yung tipong kahit araw araw kong pansinin ang ganda ng mga ngiti mo ay hindi ka maiilang.

Di ko inakala na may mga mata na gaganda pa sa mga bitwuin ng isang mapayapang gabi. Di ko rin inakala na may ngiti na mas liliwanag pa sa haring araw na hindi maiikubli.

Dati nasabi ko na masaya na at kumpleto na ang buhay ko. Kaya’t malaking palaisipan sakin kung paano mo binubuo ang bawat araw ko.

Hindi ko rin maipaliwanag kung paano itinataboy ng ngiti mo ang lungkot ko, lalo na yung paglasing sakin ng bawat tingin mo.

Simula nung araw na nakita kita, hindi ka na nawaglit sa isipan at panalangin. Tila ba nag mansta na ang ‘yong ngiti sa isip dahil kahit nakapikit, ako’y nasisilaw padin.

Dati’y akala ko nakita ko na ang mga pinakamaganda Nyang likha, subalit pinatunayan ng iyong mga mata na hindi pa pala.

Pwede ba akong kiligin kahit alam kong hindi mo naman ito at sinasadya? O kaya nama’y isama ka sa panalangin ko sa Kanya?

Panalangin hindi para magkaroon ka rin ng ganitong uri ng pagtangi para sakin,
Bagkus na sana makita mo ang landas na nais ng Lumikha na iyong tahakin.

Hindi ko na itatanggi na marahil higit na sa paghanga ang nararamdaman. Subali’t mananatiling tahimik, at maghihintay sa Kanya na nagtahi sa ating mga daan.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments