Di Pa Ba Huli?

di pa ba huli

Hi po Tito Homer & Tita Jinky!😊 Isa po ako sa nakakabasa ng mga blog nyo and I find it very helpful. Gumagawa rin po ako ng mga literature pero never ko pa po na try i-publish thru social media.

Hihingi po sana ako ng advice sa inyo. Medyo mahaba po itong message kaya salamat po sa pag a lot ng time sa pagbabasa. I got my first boyfriend at age of 22 sa work po kami nakakilala. Nagkaka kwentuhan po madalas saka po palaging tinutukso ng mga kasamahan namin sa trabaho hanggang sa naging kami na nga po. Mas lalo ko po sya nakilala nung naging kami na. Sobrang bait po nya, family oriented po, friendly, maalaga po at alam ko pong mahal nya ako saka God centered person din po. Pinakilala po ako sa family nya. Nakailang buwan po kami hanggang sa nag decide po ako lumipat ng pinagta trabahuhan at napalayo po ako ng destino. Hindi na po kami madalas nagkikita o nagkakasama. Even Sundays po na dapat magkasama kami sumimba hindi na po namin nagagawa.

Nagkaroon po kami ng conflicts sa time, sa time po namin para sa isa’t-isa. Dahil nga po bago akong pasok sa workplace ko naging sobrang busy ko po at sya naman po naging busy sa paghahanap ng trabaho abroad habang napasok sa work every weekdays at nag language study every weekends, gusto nya po kasi kumita ng malaki para mas makatulong sa family nya.

Ayun po naging busy po kami pareho pero madalas po ay ako. Hindi po magtama ang oras namin pareho kahit po sa phone hindi na kami nagkakausap na madalas sa chat at text na lang po. Hanggang sa dumating yung point na hindi ko na nasasagot ang tawag nya at hindi nya nasasagot ang tawag ko.

Apat na buwan po ang lumipas simula nung umalis ako sa dati ko trabaho, isang beses lang po kami nagkita. Palagi nya po sinasabi na sooner baka umalis na sya at masaya po ako para sa kanya dahil pangarap nya yung matutupad. Kahit minsan di ko po naisip pigilan ang balak nyang pangingibang bansa. Masaya po ako sa lahat ng nagiging desisyon nya sa buhay nakikita ko po yung purpose nya at ganun din po sya sa’kin sumuporta.

Pareho po kami ng mithiin sa buhay ang makamit muna yung mga pangarap namin sa pamilya at sarili namin bago ang mag settle. Never po kami nagtalo o may hindi napagkasunduan. Pareho po namin gusto ng masayang relasyon walang away.

Dumating po yung time na sobra akong nai stress sa trabaho ko, nakakapag open naman po ako sa kanya sinasabi nya kung ano dapat ko gawin, magtiwala ako sa kakayahan ko at kay God. Pero may time po talaga na nakakapanghina na. Hindi ko na po kinikwento sa kanya dahil ayaw ko na nagaalala sya sakin sa pamilya at kaibigan ko po hindi na din ako nagke kwento. Nararamdaman ko po kasi na ako lang din ng makakalutas ng mga pinagdadaanan ko. Naaapektuhan na po yung relasyon namin.

Ang bilis ko po mainis kapag hindi nya nasasagot ang mga tawag ko at hindi ko sinasabi sa kanya pinararamdam ko sa pamamagitan ng hindi pagsagot ng tawag nya. (Ngayon ko po nare realize na mali. Ang selfish ko sa kanya) hanggang sa umabot po ng 2 days na wala kaming usap at text or chat assumming na busy po kami pareho. Nagising na lang po ako nagpapaalam na sya. Ayaw na daw nya ako mas masaktan pa. Mahal nya daw ako pero iiwan nya ako. Hindi nya po maipaliwanag. Nag insist po ako na mag usap kami personally but he refused. Ang hirap po para sa’kin dahil naghahanap ako ng reason pero wala syang sinabi. Wala daw po sa’kin ang problema nasa sa kanya. Inamin ko po yung faults ko at the same time inaamin nya din po yung mga pagkakamali at nahingi ng paumanhin sa pagkukulang nya. Dala na din po ng temper at ego ko nakapag bitaw ako ng masasakit na salita.

Sobrang nasaktan po ako at hindi ko na po naiintindihan ang mga nangyayari samin. Ayaw nya ako makausap. Ayaw nya i seen yung mga messages ko. Sobrang sakit po knowing na yung taong minahal ko ng buong buo mawawala sakin ng ganun na lang. Humanap ako ng paraan tumawag at nag pm ako sa mga kapatid nya pero mukhang hindi nila alam o sadya lang pong mailap ang tadhana. Hindi ako pumayag dahil mahal ko sya. Namamanhid ang katawan at tuliro ang isip ko ng mga panahon na yun.

Binigyan ko s’ya ng panahon dahil nagbabaka sakali ako na babalikan nya ako dahil mahal ako nun eh alam ko. Kailangan nya lang makapag-isip. Nagkamali po ako dahil hanggang sa nakapag ibang bansa na sya hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon makapag usap at linawin ang lahat. Wala na ako magawa dahil sobrang layo na nya. Hirap na hirap na po ako. Gusto ko po kasi yung una ko magiging bf ay huli na din.

Naniniwala po ako na kami pa rin hanggang dulo pero nahihirapan po ako. Ano po gagawin ko?

– Letty

OUR REPLY

HE SAID: Hello, Letty. God has His mysterious ways in letting us learn our lessons to guide us through our life journey. Honestly, we don’t know kung siya ang The One talaga for you. But if you will pray hard, you will get God’s answer in your heart. But first, ask God to heal you para mas maramdaman mo ang sagot Niya at di ang kagustuhan mo lang. God’s plans are perfect because He is perfect. Mahaba pa ang lalakbayin mo, Joanne. Be strong but keep moving forward. Be hopeful for the future, ok? We will pray for you. God bless!
– Tito Homer

SHE SAID: Hi Letty. Madalas ang mga kagustuhan natin ay hindi syang ayon sa kagustuhan ng Panginoon. Gusto mo na ang una mong bf ay huli na din. Hindi ko sinasabing hindi ito ang gusto ni God. Ngunit baka naman this is a temporary separation, for you to be mature, and to know yourself better. But don’t expect din na magiging kayo pa ulit. Just pray for it. Ask the Lord to reveal His plans for you. Tell Him you really love this guy, and if he is the right one for you pray that he will be touched by God and reconcile with you. If he is not the right one, ask God to heal you and help you move forward. Acceptance is the first step to go forward. Everything else will follow. God bless.
– Tita Jinky

(Visited 3,370 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments