Don’t settle for less because you deserve someone better

Don't settle for less

Don’t settle for less because you deserve someone better. | by Mikee Brosas | Sinasabi ko rin ‘to sa sarili ko dati, lalo na sa ibang tao na pinapayuhan ko. Pero habang tumatagal, nag-iiba ang pananaw ko.

Sa ngayon, para sa ‘kin, wala namang ‘mas’ at ‘pinaka’ lalo na kung ilalarawan rito ang kapasidad ng isang tao lalo na sa pakikipagrelasyon at pagpapakita ng totoong damdamin. Masyado lang kasing naging ‘subjective’ ang nakasanayang batayan na masasabing deserving ka para sa isang tao kapag minahal mo siya sa paraang higit pa sa inaasahan niya, o maaaring mas maging karapat-dapat ka kung mangyayaring mahigitan mo ang ekspektasyon ng taong ‘yon depende sa kung paano ba niya binibigyang pakahulugan ang pag-ibig, o maaari rin namang nakabatay lamang ito sa kung ano talaga ang totoo nitong nararamdaman, walang tinitignan na kahit ano, walang sinu-sino. Dahil para sa kanya, ang pagmamahal ay walang ibang nakikita at pinagbabasehan kundi ang sariling nararamdaman.

Hindi naman talaga nageexist ‘yung tinatawag niyong ‘better person’ lalo na kung ibabase lamang ‘to sa ideolohiya at pamantayan na madalas makita sa mga pinanunuod mong palabas, istoryang nababasa mo sa libro, at mga kuwentong nakakaantig na maririnig mo sa iba’t ibang tao.

Ang totoong ‘better person’ ay ang taong nasa tabi mo kapag malakas ang ulan, nandiyan siya para magsilbing payong kapag basang basa ka na. Siya ‘yong taong sasamahan ka, at mas pipiliing samahan ka sa bawat alat at pait ng buhay; nag-iisang tao na hinding-hindi bibitawan ang mga pagod mo nang mga kamay. At ang taong magbibigay sagot sa mga katanungan mong matagal nang hindi nasasagot, at lahat ng alinlangan mo’t mga pangamba.

Dahil ang totoong kahulugan ng pag-ibig ay hindi kailanman naging kumpetisyon, at hindi rin pagalingan. Hindi ito paramihan ng yaman, hindi rin pagandahan at pagwapuhan. At hinding-hindi ito maibabatay sa kung ano mismo ang hihilingin mo dahil ito ay dumadating sa panahon na kung saan at kailan hindi mo ginugusto.

Ang totoong ‘better person’ ay ang taong hindi man higit sa lahat, ngunit handa pa rin ipakita sa ‘yo lahat ng dahilan para magpatuloy at maging masaya.

”Don’t settle for less because you deserve someone that will make you happier. And that someone will be the better one for you.”

HeSaidSheSaidPH.com

Comments Go Here ▼

Comments