Hindi Ako si John Snow

John-Snow

ni KimTao Claveras

“Hindi ako si John Snow pero I know some things.”

Tanda mo pa ba? Yung mga araw na sobrang lapit natin sa isa’t-isa.
Yung palagi tayong nagkukwentuhang dalawa.
Ang sayang balikan yung mga panahong inaasar kita.
Tinatawag mo kong baliw tas tinatawag din namang kitang bakla.

Hahaha, nakakatawa yung isang araw nun, nung magkatext tayo,
kinamusta mo yung araw ko, nasa bundok ako nun
kaya nasabi ko sa ‘yo na sobrang sakit na ng t’yan ko.
Yung tipong jebs na jebs na ‘ko pero grabe walang banyo.
Lahat nasabi ko, ni hindi nga ako nahiya sa ‘yo.

Naalala mo yung plano nating pagsisimba?
Iyung pagkatapos kakain tayo sa isang fastfood o pupunta sa may seaside
at aabangan natin yung paglubog ng araw.

Hahaha, naalala mo yun? Okay na sana eh, pro bakit nagkaganun?
Hindi ba talaga puwedng happy na lang tapos walang ending?
Alam mo, minsan naitanong ko,
Bakit kailangang magtapos yung hindi pa naman nasimulan?
Bakit kailangang manlamig yung dating mainit nating pagmamahalan?
Bakit kung kelan hulog na hulog na ‘ko dun pa ‘ko nasaktan?
Iyung dapat sana masaya lang.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments