Huli Na Ang Lahat

Huli Na Ang Lahat

ni Katrin Joves |

Mababasa ang isang likha na sa bawat bigkas ay may nanunuot na sakit at kirot sa mga iniwang kataga.

Kahit pala ano’ng higpit ng hawak ‘pag humagupit ang hanging malakas tatangayin lahat ng alaalang masaya noong mga panahong maayos pa at pagmamahal pa ang nangunguna.

Ako noon’y gusto ng bumitaw dahil paulit-ulit na lang ang sakripisyo at pagtitiyagang maisalba lang ang relasyong akala ko’y may matibay na punla. Oo, bumitaw ako para lang maramdamang ikaw naman ang aareglo ng gusot sa atin at gulo ngunit ang pagbitaw ko ay parang hawak mo ang goma sabay bitaw mo at sa akin tumama.

Lumipas ang isang linggo at pinilit mong isalba. Ngunit huli na ang lahat dahil ako’y napagod at nadurog mo na.

Ano ang iyong ginawa ng mga panahong ako ay iyo pa? Wala ng saysay ang libo-libong beses na pangungulit mo dahil ang libo-libong sakit na lang na iyong inukit ang sa aki’y namimilit na ‘wag ng ibalik ang relasyon nating napuno ng sakit.

Patawad pero huli na ang lahat. Ipinakita mo ang halaga kung kailan ako’y pagod at bumitaw na. Kung ako’y iyong kakausapin pa, pakiusap ‘WAG NA at kung magkasalubong tayo sa kung saan mang ibayo, iiwas na lang ng tingin at magpapadala sa hangin kahit saan ako dalhin — ‘wag lang sa piling mo.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments