Isang larong habulan

by Clyde Silagan | shared on He Said, She Said |

Sa bawat pagsambit mo ng salitang mahal mo pa s’ya, narito ako nais itanong sa ‘yo kung ako’y mahal mo rin ba

Sa bawat luha na pumapatak sayong mga mata sinasabi ko sa sarili ko na ako nalang sana ang nasaktan at hindi ikaw pa.

Habang hinahabol mo pa s’ya, hindi ko ako tumitigil sa pagtakbo papunta sa ‘yo kahit ilang beses akong nadadapa.
At habang lumalapit ka sa kanya ako namay narito nakagapos sa loob ng selda at pinipilit ko ring makawala.

Makawala, sa mga pader na nakaharang sa ating dalawa upang tanggaling ang nakabara sa selyado mong puso dahil mahal kita.

Mahal kita at hindi ito magbabago.

Mahal kita, na higit sa pagmamahal ko sa sarili ko.

Mahal kita na kahit ilang ulit mo akong pinapatay nabubuhay pa rin ako para sa ‘yo.

Sa paglipas ng panahon ay laging nais makapiling ka kahit tandhana na ang nagdikta na hindi tayo para sa isa’t-isa at kahit anong gawin ko ay hindi talaga.

At dahil mahal kita, wala na akong tinirang pagmamahal sa sarili ko dahil lahat ay naibigay ko na. Inalay ko ang puso ko sa ‘yo dahil yung puso mo ay ibinigay sa kanya, na wala nang pake sa ‘yo at hindi ka kayang ibigin pa.

Pero eto ang sabi ko sa sarili ko, tama ba na huminto na ako?

Tama ba na tumayo ako mula sa pagkakahulog na tanging tinik lamang ang sumalo sa akin at paghihinagpis lamang ang yumakap sa akin?

Tama ba, na magbigay ako ng daan at linisin ito upang iyong takbuhan papalapit sa kanya?
Tama ba na huminto ako kakamahal sayo dahil wala nang natira sa sarili ko kundi pangalan ko na lang.
Pangalan na, walang katayuan sa puso mo dahil kaylan man hinding-hindi na ako makakapasok dito.

Sabi nila nasa huli ang pagsisi pero alam ko hindi pa huli dahil hindi pa dumadating ang Diyos hupang kunin tayo pero, pero kinuha ka na nya sa akin, unti-unti nang binabawi ng Diyos ang masasayang ala-ala nating dalawa na ngayon ay isa nalang memorya.

Memorya, upang magpakatatag sa mga hamon ng buhay.

Ginawa kitang mundo ko na dapat ikaw lang ay isang tao.

Isang taong mayrong pakiramdam pero itoy gumagana sa isang nilalang at sa kanya mo lang binigay.
Ibinigay mo sa kanya dahil umaasa kang masusuklian pa nya ang lahat na ibibigay mo dahil ginawa nya rin ito sayo.

Tayo’y nasa isang larong habulan, ako sa huli, ikaw sa gitna at sya naman ang nasa unahan, habang pinipilit mong maabutan sya kahit malapit na sya dulo narito ako nais na samahan ka kahit habang tumatakbo ako ay para akong nasa gyera, sugatan dahil sinasalo ko lahat ng balang iyong iniiwasan na tumutulak sayo papalayo sa kanya.

Pero ‘wag kang mag-alala, sa oras na mapagod ka kakatakbo nais ko ring huminto upang sumama sayo. Sasamahan kitang marating ang dulo hanggang sa tuluyan tayong ipagtagpo ulit ng tadhana na minsan na ring naging hadlang sa ating pagtakbo.

At pag nakita kita, ipapadama ko sayo ang langit na nais mong makita sa kanya.

Ituturo ko sa ‘yo ang papamahal na gusto mong matutunan, at wawasakin ko ang kanyang kadenang nakagapos sa ‘yo at palalabasin ko ang nakakulong mong damdamin na hindi na n’ya pinahalagahan.

At sa huli, ipapakita ko sa ‘yo ang paraiso na ginawa ko habang naghahabol sa ‘yo dahil mahal kita.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 23 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleTrisha
Next articleBlame Me Not