Itinadhana – Story of Kat and Marck

itinadhana

After 19 years, who would have thought that these two little kids in the first picture will find their way back to each other?

So here’s our #TagpuanStory —

Marck and Kat in their kinder days.

Magkaklase kami nung elementary. I see him as a threat dahil kalaban ko sya sa first honor. Magkasama kami palagi noon kapag lumalaban ng quiz bees and inter-school competitions. Sya yung panlaban palagi sa Math, and ako naman sa Science. Naiinis ako noon sa kanya kasi kahit anong gawin ko hindi ko sya matalo sa Math. Hate na hate nya naman ako dahil napakataray and napakatapang ko daw. Kinwento nya pa na itinapon ko daw yung file case nya sa sobrang inis ko sa kanya. Pinatawag pa daw kami ng teacher namin at pinagbati kami, pero hindi ko na yun matandaan ngayon. Haha.

I graduated as the Valedictorian, sya naman ay 1st Honorable Mention. After ng graduation namin, nawalan na kami ng communication, hindi pa kasi uso ang phone and Facebook noon.

To make the long story short, he graduated from UP Los Baños and Registered Electrical Engineer na sya ngayon. I graduated as Cum Laude naman sa AMA Lipa with BSIT as my course.

Kat and Marck
Kat and Marck together again.

And just last year, after 11 years, our paths met again dahil sa isang reunion. Just like the line in a song —  “Two old friends meet again, wearing older faces, talked about the places they have been.”

Nagmeet kami kung kailan successful na kami pareho sa pinili naming field.

We met at just the right time. I was so broken when he came. I thought that I would not be able to trust a man again because of the pain that I’ve been through. I’ve pushed him away for so many times but he didn’t give up. He taught me how to love myself more and made me believe in love again.

Recently ko lang nadiscover na crush nya ako nung Kinder days namin. He kept this picture with him, na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin. 

He took what was broken and made it whole again.

[Contributed by Kat Malabag]

Got a love story to share? Send it here

(Visited 2,244 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments