Kisapmata

kisapmata

ni Rose Ann |

Hindi ako yung tipo ng tao na nagsasabi ng “Mahal kita” “I love you” “I miss you.”

Hindi ko inaamin na mahal na mahal kita kasi naman alam ko naman na halata at nararamdaman mo yung pagmamahal ko, hindi sa mga salita kundi sa mga ginagawa ko.

Tumagal din tayo. Hindi ko inaasahan sa relasyon natin o sa sitwasyon natin eh, na tatagal tayo ng taon. Akala ko nung una laro lang ba ‘to. Pero hindi eh. Kahit kailan hindi magiging laro ang pagmamahal ko sa’yo.

Ilang hiwalay na din at balikan ang nangyayari sa ‘tin? Paulit-ulit sa kaparehong dahilan.

Bakit mo ‘ko sinasadyang saktan? Alam ko naman na mahal mo ‘ko kasi ayun yung sinasabi mo sa ‘kin. Pero bakit tuwing naghihiwalay tayo saglit bigla na lang may susulpot sa’yo? At malalaman ko na lang meron ng KAYO.

Nakikipag-balikan ka pa sa ‘kin, meron ka na pa lang nilalandi? Ka-fling-fling? Bakit ganun kabilis para sa ‘yo ang humanap agad at kumausap ng iba?

Dahil nand’yan s’ya sayo nung walang tayo? Nung wala ako? Napapasaya ka n’ya? Ang hina naman pala ng pagmamahal mo sa ‘kin. Ganyan ka lang pala kadali.

Samantalang ako halos magpakamatay na umaasa na babalik ka kahit na alam kong mauulit lahat. Wala na eh.

Tanga na kung tanga. Sayang naman di ba? Itotodo ko na ang pagpapaka-tanga ko sa ‘yo. Totoo nga na nakakabaliw ang pag-ibig. Pero kung masaya ka na talaga sa kanya at ayaw mo na sa ‘kin hahayaan na kita.

(Visited 2,359 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments