LDR on the Rocks

LDR on the Rocks
https://www.pexels.com/photo/photo-of-woman-using-mobile-phone-3367850/

HeSaidSheSaidPH.com | LDR on the Rocks | Ayaw na niya, paano na?

Hello po. Good evening po sa inyo.Nakita kopo ang page at nagbibigay po kayo ng advice.

Hihingi lang po ako ng payo o advice mula sa inyo at nagpapasalamat napo ako mula sa inyo kung anuman ang maibigay na payo nyo po sa akin.Bale ganto po yun,may girlfriend po ako at 6years in relationship kaso LDR(Long Distance Relationship )po kami,nasa Taiwan sya ngayon at caregiver po sya dun,ako naman nagbabarko, nasa cruiseship po ako,kaso napauwi po ako nung April sa kasagsagan ng pandemic na COVID-19,araw araw naman po naguusap kami kahit nasa barko pa noon, masaya naman ang mga paguusap namin, although hindi rin maiwasan ang pagaway ,bukod pa ang problema siguro sa time zone at magkaiba po talaga.[FastForward napo.].

Nitong June 14, nag-away at namura ko po sya. Mula noon binolock nya ako at hinintay ko na magmessage sya sa akin,nagchat sya sa akin,nitong June 21,na sabi nya sa chat, maghiwalay na daw kami at hindi na daw sya masaya.,maghanap na lang daw ako ng makakasama ko sa buhay at hindi na daw sya yun. Gusto na daw nya mapag-isa, ung wala na daw iniisip at mga stress na yan.Sabi pa nya,salamat sa pagiintindi ko daw sa kanya at salamat din daw sa pagmamahal ko sa kanya,ndi na daw nya deserve yun. Hindi na daw kami maayus at maghiwalay na daw kami.

Simula nun, hanggang sa ngayon, hindi na sya nagchat sa akin,binolock na nya ako. Pero tinatawagan ko pa rin sya sa international number nya sa Taiwan para makapagreach out pa rin sa kanya at humihingi ng sorry sa mga nasabi ko that time na last na nag-usap kami.

Pero nagriring naman ang phone nya, once lang at nagbubusy na, hindi ko lang alam, bakit nagkakaganun, nagririning naman tapos magbubusy na agad? At nagtetext pa rin ako sa kanya, pero hanggang sa ngayon, ni wala man lang sya reply sa akin.

Pati mga kamag-anakan nya at kaibigan namin, chinat at tinawagan ko na rin para humingi ng tulong o advice na mag-usap nga kami. Pero sa hanggang sa ngayon wala pa rin, mag-isang buwan na, na hindi kami nag-uusap.

Anu po ang gagawin ko?Sana mabigyan nyo po ako ng payo. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. At marami akong tanong,na siguro magiging mga tanong na lang? At hindi ko lang maisip. Despite na marami na kaming pinagdaanan, bakit parang ang bilis naman nyang bumitaw? Na parang bale-wala na sa kanya ang lahat?

Sana mabigyan nyo po ako ng isang paglilinaw o payo.

Maraming salamat po.

Gumagalang.
Ted

OUR ADVICE

Hi Ted. Sa aming opinyon ay talagang gusto na niya makipaghiwalay sa iyo. Sa tingin ko pabayaan mo na lang muna siya at ipagdasal na maliwanagan ang isip niya at kausapin ka ng maayos. May mga tao kasi na kapag pinipilit mong kausapin lalong nagtatago. Sa ganitong pagkakataon tanging ang Diyos lamang ang iyong sandigan. God bless.

-Tito Homer & Tita Jinky

(Visited 3,354 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments