Mahal na Mahal Kita at Ang Sakit Sakit Na

by Neth Sarmiento | shared on He Said, She Said

Heto na ang huli sasabihin ko sa ‘yong, “Mahal Kita.”

Dahil ngayon gabi sumusuko na ako.

Pagod na pagod na ang puso ko na masaktan. Pagod na ang mga mata ko sa pagtulo ng luha.

Alam ko na masaya ka na sa kanya. Kahit masakit, pinapaubaya na kita sa kanya. At tatanggapin ko na, na hindi ka na sasaya sa piling ko kailanman.

‘Wag kang mag-alala, mahal, babalik ako sa harapan mo. At sa pagbalik ko na iyon pagmamahal ko sa ‘yo ay burado na. Sa pagharap ko sa ‘yo kaya ko ng ngumiti ng wala ng kirot sa puso ko.

Haharap ako sa ‘yo na dala ko na ang kasagutan kung bakit hindi tayo itinadhana.

(Visited 2 times, 2 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments