Mahal, sana lumaban tayo

sana lumaban tayo

ni Stephanie Ann Diploma

Mahal, bakit hindi tayo lumaban

Lumaban sa walang hanggang ating sinumpaan
Tila ulan binuhos ng malakas ang lahat
Ngunit titila din pala, nawala na ang habagat

Mahal ko, paano kung lumaban tayo
Sumugal sa pagmamahal na ating binuo
Mga pangako na sabay tayong tumanda
Sabay sa pag gising at paglakad sa umaga

Paano kung sa bawat araw na nawawala na
Mas dun tayo kumapit at pinili ang isat-isa
Sa bawat pag layo ng ating mga kamay
Nais sabihin, teka wag na tayong Maghiwalay

Mahal, paano kung hindi tayo bumitaw
Isang tanong sa utak ko na parating sumisigaw
Sana ngayon sabay binubuo ang mga pangarap
Pangarap na sa panaginip ko nalang nahahagilap.

(Visited 3,377 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments