Gustuhin ko man, pero di ka na sa akin

di ka na sa akin

by Asteria

Gustuhin ko mang maglakad hawak ang mga kamay mo,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang kantahan ka ng mga kantang alay sayo,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang makasama ka sa magagandang lugar,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang pagmasdan ang mga bituin kasama ka,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang kasama kang palipasin ang gabi,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang magsulat ng mga liham para sayo,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang alayan ka ng aking mga tula,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang lapitan ka tuwing tayo’y pinagtatagpo
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang ikulong ka sa yakap,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang angkinin ka,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang maging sayo lamang,
ngunit hindi maaari sapagkat hindi ka na sa akin.
Gustuhin ko mang patuloy na magpadala sa alon ng pag ibig,
palaging sa dulo nito’y hindi maaari,
paulit ulit na ngunit at kasunod nito’y ang napakaraming sapagkat.

(Visited 4,460 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments