Mapaglaro

Mapaglaro

ni Aileen Dcny

Minsan ang buhay ay mapaglaro.
Ilang beses na nga ba natin narinig ang katagang ito?
Isa, dalawa o maaari pang lumampas sa sampu
Mga katagang talagang nakakabobo.

Pag nagmahal ka at binigay ang buo mong pagkatao
Sa bandang huli malalaman mong ikaw pala ay ginagago
Kaya ikaw na nagmahal lang naman, ngayon mundo mo’y naglaho

Di ba nakakaloko?
Kung bakit sa dinami-rami ng tao
Natapat ka pa sa taong dudurugin lang pala ang iyong pagkatao?
Tuloy iniwan kang nag-iisa, pati mga pangarap ninyo ay naglaho.
At higit sa lahat, puso mo ngayon ay nagdurugo.

Pero hindi naman ganoon kalupit ang tadhana.
Dahil sa gitna ng pagluluksa
Umasa kang may anghel na sa iyo’y ipapadala.
Upang puso’y tulungang maghilom na.
Siyang anghel na magtuturo kung paano ulit tumawa
At tutulong sa iyong pagkadapa.

Kaya’t kaibigan tahan na.
Pagkat darating din siya.
Hindi pa siguro sa oras na ito
Pero asahan mong papunta na siya sayo.
Malamang natraffic lang iyon sa may kanto.
Hintay-hintay lang at tatlong kembot na lang ang kanyang layo.

 

(Visited 4,476 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments