Masakit

masakit
Image: pexels-photo-3355053

ni Justine Ligan | Masakit, isang salitang kayang ipakita ngunit mahirap tanggalin sa buong sistema. Sa isang taong mahilig magmahal, saan nga ba tayo pwedeng maglaan? Sa sakit na pumanaw o sa sakit na lumisan? Puntong wala naman pinagkaiba. Mga salitang, iyak at pighati pa rin ang mga dala. Sa isang banda, puno pa rin sila ng pagkakaiba. Mahal mo pero nakuha na sya ng langit. Mahal mo pero bumitaw sya kahit kaya mo pang kumapit.

Masakit! Masakit pala kahit anong eksena pa.

Mahal mo sya pero langit ang kaagaw mo sa kanya. Wala kang alam kundi magdasal ng isa pang araw para sa kanya, para sa inyung dalawa o kahit nalang para sa iyo. Isang araw na makasama mo sya kasi alam mong wala ka nang mga araw o oras pa. Masakit kasi gusto mong lumaban ng patas pero sino ka ba sa buhay nya. Hindi ka Diyos para pigilan ang oras nya. Buhay sya.. sa ngayon pero ikaw itong namamatay minuminuto, oras oras, araw araw para sabayan ang buhay na alam mong bilang na. Masakit, salitang kayang ipakita sa iyak kahit alam mong hindi ito sapat. Ang mga luhang ‘di kayang itapat sa sakit na nararamdaman ng pusong sabik pang magmahal kahit isang araw pa. Buhay mo man ibigay hindi pa rin sapat kasi ikaw ang nakatakdang lumuha para sa kanya. Luhang alam mong ikamamatay mo ng sobra sobra. Sa huli na sa iyo pa rin kung paano mo tatanggapin ang tadhanang isinulat para sa inyung dalawa. Kung ikaw ba ay mabubuhay kasama ang mga alaala o sabay kang mahuhulog sa hukay gaya ng luha mong lupa ang umaakay.

Masakit! Masakit pa rin pala kahit anong eksena pa.

Mahal mo sya pero iniwan ka kahit alam mong kakapit ka pa. Nandyan sya pero lutang ang isip. Nandyan sya pero alam mo may iba na. Nandyan sya pero alam mo na wala ka na sa kanya. Nadyan sya pero bakit parang ikaw lang mag isa. Alam mo na alam nya na kakapit ka pa. Kakapit ka eh! Ilalaban mo sya sa kahit na ano at sino pa. Sasaluhin mo sya kahit na alam mong may kaagaw ka. Magiging martyr ka para sa kanya. Pero bakit? Bakit ang sakit sakit na wala kang marinig galing sa kanya. Yung tipong yakap mo sya pero isang kilometro ang layo nyu sa isa’t isa. Lumalaban ka pero ang sakit sakit na. Masakit, salitang kaya mong ipakita sa iyak pero alam mong hindi sapat. Lumaban, kumapit para sa kanya pero pinipilit lang pala. Mali na ba? O mali na talaga? Kaya ko. Kakayanin ko pa. Syempre mahal ko eh. Pero sa isang banda, masaya pa ba sya? O nasasaktan ko na sya sa laban kong ako lang gumagawa. Masakit. Masakit na malaman mong wala na yung taong naging buhay mo pero alam mo na sya rin ang papatay sayo.

Kahit ano pa ang piliin mo dulot ay sakit pa rin sa huli. Pusong patay o kahit pusong mamatay walang pa rin takas sa sakit na kaakibat. Buhay mo man ay ibigay hindi pa rin ito sapat para sa luhang nahulog mula sa mga matang pagmamahal lang ang katapat. Pero alam naman natin na hindi pa ito ang huling kabanata ng buhay. Mararanasan at mararanasan natin ang sakit at pait pero sana hindi ito kumapit. Dahil sa isang banda, masakit man para sa pusong pagmamahal lang ang nais di bale sa susunod tamis naman ang susulit.

(Visited 3,346 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments