Panandalian

Panandalian
Image - pexels-photo-330247

ni Katrin Joves | Panandalian | Isang gabi habang nag-iisa, kinakausap ang sarili at wala ng iba, pinagmamasdan ang ningning ng mga alitaptap at tala habang itinatanong kung kaya pa ba ang lungkot at pighati na aking nadarama, dulot ng nawasak na ligaya dahil sa paglisan niya, sumama siya sa iba at naging masaya habang ako ay wasak na wasak na.

Hanggang sa nakilala kita na nagbigay sa akin ng pag-asa, walang kasiguraduhan kung maniniwala paba dahil sa nakaraan ay natuto na, minahal noong una pero sinaktan lang pala, panandalian lang pala, pampalipas oras lang pala, ginawang laruan habang siya ay balisa at agad nilisan para lamang sa iba.

Pero noong lumapit kana habang nakatitig ang mapupungay mong mga mata, sa bawat hakbang mo gayak ang dala at agad mong naipadama na kakayanin ko pa pala, na dapat pa pala akong magtiwala sa iba, dahil hindi naman lahat ay katulad niya, na pahahangain ka sa una pero sa huli pahahagol gulin kalang pala.

Ang kanyang paglisan ngayo’y ipinagpapasalamat ko na, dahil sa kanya ay nakilala kita, ginising mo ako mula sa bangungot na dulot niya, pinalitan mo ng saya ang dating lungkot, liwanag ang ipinalit mo sa dilim na iniwan niya, pagbuo ang ginawa mo habang pagwasak ang kanya. Kasagutan ang iyong tugon sa mga tanong na sa akin ay bumabalisa.

Ang panandalian sa kanya, sayo ay panghabang buhay na pala.

(Visited 3,352 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments