Maraming Beses

Maraming Beses
Image - pexels-photo-2563681

ni Katrin Joves | Maraming beses mo nang kinausap ang mga bulalakaw mula sa himpapawid, sinabay mo sa pagbagsak nila ang kahilingan mong mapasa’yo siya.

Habang nakapikit ang iyong mga mata, naniwala ka sa napakalakas na pwersa ng mga planeta para lamang sa pag-ibig mo sa kanya.

Maraming beses mo na rin siyang pinagmasdan mula sa malayuan na wala siyang kaalam-alam dahil sa iyong pagsinta.

Maraming beses mo na siyang tinitigan habang siya’y nagsasalita na para bang siya lamang ang kahanga-hanga.

Kung sakali man na bibitaw siya, kung sakali man na mapagod ka, magpahinga ka at suyuin mo siya. Dahil siya ang tugon sa kahiligan mo sa tala. Siya ang biyaya na maraming beses mong pinangarap. Siya ang buhay na patunay na umibig ka pala.

Kung sakali man na mapagod siya, pahinga muna. Ngunit huwag mong hahayaan na siya ay mawala. Huwag mong hahayaan na magwakas na lang basta.

Ingatan mo siya dahil hindi ka na makakahanap muli nang katulad niya.

(Visited 3,351 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments