Minsan Napapaisip Ako

Manhid

Minsan napapaisip ako. Ano na ba talaga ang tunay na estado ng puso ko. Alam kong tumitibok pa sya pero para saan? Para kanino? Ano pa ba ang dahilan kung bakit buhay pa to?
Pero duda ako na masaya to, ni kahit sarili kong nararamdaman hindi ko mapagkatiwalaan.

Pilit kong pinapakiramdaman kung ano na ba talaga ang lagay nito, ramdam kong normal pa din ang pagtibok nya pero ramdam ko ding wala na akong maramdaman na kahit ano. Masaya ako kasi yun ang dikta ng utak ko. Malungkot ako kasi yun ang nakikita sa mga mata ko. Galit ako kasi yun ang lumalabas sa bibig ko at nasasaktan ako dahil yun ang tugon ng katawan ko.

Hindi ko na alam kung paano tumugon sa salitang gusto kita. Tama bang sabihin na hindi pa ako handa? O di kaya’y mali na sumagot na mahal kita, dahil sa dulo’y alam nating tayo ang masasaktan. Kung napagod na ang pusong magmahal, wag ng pilitin pa dahil may kirot sa puso na kailanma’y hindi na magagamot ng pagmamahal bagkus tanging paglisan ang sagot sa pusong hindi na makaramdam.

-Andie Menderson

(Visited 4,447 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments