Maaalala Ko

maaalala ko

HeSaidSheSaidPH.com | ni Ar Ann Hernandez

Maaalala ko ang mata mong nagniningning ngunit di ko makalilimutan ang mata mong kung tumitig wari’y di nagsisinungaling.

Maaalala ko ang mga labi mong mapupulaNgunit di ko makalilimutan ang labi mong dumadampi sa iba.

Maaalala ko ang bisig mong matipuno ngunit di ko makalilimutan kung pano mo pinigil hagkan ko ang iyong puso

Maaalala ko ang ating mga sumpaan ngunit di ko makalilimutan kung paano mo ito kadaling sinukuan.

Maaalala ko ang dating tibay ng ating pagmamahalan ngunit di ko makalilimutan kung paano tayo nagkasiraan

Maaalala ko ang pamilyang ating binuo ngunit di ko makalilimutan kung paano mo hinayaang ito’y gumuho.

Maaalala ko kung paano mo hawakan ang aking kamay ngunit hindi ko makalilimutan kung paano mo ito binitawan.

(Visited 4,462 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments