Nagbabalik: Tatanggapin ko pa ba siya?

by DD | shared on He Said, She Said |

Hello po. This letter was made almost a year ago when he left us. Yes, we almost built a family but in a snap and without any explanation he left us for another girl. I suffered everyday bearing all the pain and asking why.

Salamat sa magagandang alaala, salamat dahil sobra akong naging masaya na makilala kita, na dumating ka sa buhay ko. Salamat sa pag-aalaga, sa pagmamahal at sa panahon at oras na binuhos mo sakin. Sa kulitan at asaran, sa pagpapatawa at paglalambing sa akin. Hindi pala talaga totoo ang fairy tale, na wala talagang happy ending. Hindi ako handa na aabot tayo sa ganito. Pero eto na nga. Nangyari na yung sobrang kinakatakutan ko. Iyung iwan mo ako. Na kailangan na ‘ko ng mag-umpisa ng bagong buhay na wala ka.

Patawad din sa mga masasakit na salita. Siguro yun lang ang alam kong paraan para mabawasan sana kahit konti yung sakit na nararamdaman ko.

Sana binigyan mo man lang ako ng pagkakataong malaman kung anuman ang naging problema mo sa ‘kin, sana mas naging bukas ka sa pakikipagcommunicate sa nararamdaman mo. Sana napunan ko kung ano man ang naging pagkukulang ko. Sana hindi mo ako basta na lang itinapon na parang basura. Sana hindi mo ako pinagmukhang tanga. Sana balang araw maunawaan ko kung bakit ganun lang kadali sa ‘yong kalimutan lahat ng mayroon tayo.

Salamat sa mga pangako at pangarap. Tutuparin ko pa din yun kahit wala ka na at sana balang araw ipagmalaki mo na minsan sa buhay mo minahal mo ang katulad ko.

Hindi man ako, perpekto buong puso naman kitang minahal. Binuhos ko yung panahon at oras ko sa pagmamahal sa ‘yo. Hindi magiging madali ‘to pero alam ko ang Diyos ang kasama ko para lagpasan ang lahat.

Wala ‘kong ibang hiniling kundi maging masaya ka. Lahat ginawa ko naman kaya masasabi ko na wala akong pagsisisihan dahil pinaglaban kita hanggang huli. Nakakapanghinayang lahat ng meron tayo pero eto na totoo na nga. Kailangan ko ng tanggapin na may mahal ka ng iba.

Bibitawan na ang mga pangakong napako. Haharapin na ang katotohanan na hanggang dito na lang tayo, na wala ng magaganap na ikalawang pagkakataon para sa ‘tin.

Malayang malaya ka na mahal ko. At gusto ko pa din malaman mo na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA kahit ang sakit sakit na.


Ang masakit po dito, matapos ang isang taong walang paliwanag heto s’ya at gustong bumalik. Halos hindi pa nakakaahon sa paglayo n’ya heto na s’ya at bumabalik na naman. We are in a long distance relationship when he left and I was thinking na sa dami po bang sumulat sa inyo ay may nagtagumpay pang maayos na relasyon na matagal ng nasira? Madami na nagbago, yung pagmamahal hindi po nawala pero yung takot at sakit hindi na rin po nawala. All of a sudden bumabalik s’ya, I want to give our daughter a complete family. I love him but I don’t know if it’s still worth it to accept him again. 😔 Thank you and more power po.

He Said/She Said says: Everybody deserves second chances, especially when it involves a family. It will all come to weighing love, respect, trust and hope that a better future is in the works. Pray for wisdom as it will be your decision. But remember that it will take a lot of hard work and prayers from both of you. Ask God to bless your relationship and to keep him away from temptations. God is your friend. He will hear your prayers. Just work on it together. Harder this time.  Again, it’s your decision to make.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePaasa
Next articleNote to Self