Paasa

by Rizthel Garcia | shared on He Said, She Said |

Paasa, yan ang nasabi ko sa ‘yo.
Pagkat yun ang naramdaman ko
Hindi ko alam kung ano ang iyong gusto
O sadyang pinaglaruan mo lang ako.

Sa tuwing ikaw ay aking nakikita
Galit, kilig at tuwa ang nadarama
Pero sadyang mapagbiro ang tadhana
Pagkat ako’y pinaglaruan lang pala.

Ang hirap ng ganito
Hindi ko alam ang gagawin ko
Patuloy na lang akong lalayo sayo
Para hindi na masaktan ang puso ko.

Mahal na nga yata kita
Pero siguro tama na
Tama na ang pagiging tanga
At tama na sa kakaasa.

Ititigil ko na kaysa patuloy na umasa
Sa isang taong hindi nakikita ang aking halaga
Puso ko ay nasaktan mo na
Hindi na ako aasa,kakalimutan na kita.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 56 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments