Nais Kong Malaman Mo

Nais Kong Malaman Mo

HeSaidSheSaidPH.com | “Nais Ko Lang Na Malaman Mo” by Anni |

Taltlong taon na ang lumipas
Pero pag-ibig ko sayo’y wala pa ring kupas
Hindi ko akalain na sa paglayo ko
Mas minahal pa kita ng todo.

Masakit makita’t malaman na may mahal kang iba
Nakakadurog ng puso
Nakakasakit sa pagkatao
Pero okay na yun, basta’t ikay masaya.

Malayo man tayo sa isa’t isa
Malabo man na tayo ay magkita
Nais kong malaman mo
Pagtingin ko sayo’y hindi nagbago.

Sinulat ko ang tulang ito
Hindi upang humingi ng kapalit
Para ilabas ang matagal kong itinatago
Sa puso kong binihag mo.

Comments Go Here ▼

Comments