Nais Kong Kumawala sa Alaala Niya

kumawala

Hello Tito Homer and Tita Jinky, May naging boyfriend po ako na nakilala sa facebook at naging okay naman po kami sa una, masaya at lahat ng attention binigay nya saken tapos nalaman ko na may anak s’ya, tinanggap ko po yun ng buong-buo. He is a self-centered person kasi pinagbabawalan n’ya ako sa mga bagay na s’ya naman din ang gumagawa, projection ika nga. After 6 months dun ko na nakita talaga tutuo nyang kulay, lagi nya ako sinasaktan verbally and emotionally but I still love him so nag tiis ako until na nag kita kame, 2 months kame nag sama sa iisang bahay. Yes! naramdaman ko din naman na may pag care sya pero more yung sobrang sama ng ugali nya, short tempered at sa ‘kin n’ya na lang lahat inasa. Only child s’ya at super mama’s boy but I still loved him. Umuwi na s’ya sa kanila sa Mindanao, then unti-unti na nagbago ang lahat. Actually sobra n’yang hilig sa barkada yung paulit ulit n’yang pinipili yung barkada n’ya kesa sa ‘kin. Tapos ngayon bigla na lang s’ya di nagparamdam na hindi ko alam kung anong dahilan. Mas gusto ko pa malaman na meron s’yang iba kesa sa hindi ko alam bakit bigla na lang s’yang nanlamig at nawala sa ‘kin. Sobrang sakit po ng nararamdaman ko pero I keep going knowing that I don’t deserve him.

Feeling ko inabuso nya na po yung kabaitan ko. Gustong gusto ko na po makawala sa nararamdaman ko sa kanya.

– Violet

OUR REPLY:

HE SAID: Hi Violet, sadly this is what happens when people readily believe that social media is the ONLY way to know a person. So nangyari na nga ang lahat. Hopefully, you learned your lesson. Please lang, kilalanin muna ang isang tao bago ibigay ang lahat-lahat, ok? What to do? Acceptance. Accept na nangyari ito at i-accept na nakawala ka na so di ka babalik sa parehong sitwasyon. Pray for God to heal you emotionally and spiritually. That’s the biggest step, really. Makakatulong din ang pakikipag-usap sa isang counsellor or priest (if Catholic ka) or even a pastor (if born again ka). Talk to people who will understand you and not judge you. Ask people to pray for you as well. To move on is done daily. Baby steps. Cry until there are no more tears. In the end, know that there is a loving God who cares. We in HSSS care. We’ll pray for you. God bless! – Tito Homer

SHE SAID: Hello Violet. Sorry but I really need to tell you this. Maling mali ang ginawa mo. Sa fb lang nakilala nagtiwala ka agad. E yung matagal mo nga na kilala pwede ka pang lokohin, yun pang sa internet lang. Sana ay magsilbing aral sa iyo ito. Ang lahat ng nakukuha sa madaling paraan ay madali ding isa isang tabi. Huwag kang magmadali sa paghahanap ng taong magmamahal sa iyo. Pray for it. Ask God to bless you with the right man. God bless you. – Tita Jinky

(Visited 2,245 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments