Geo (Unsent Letter)

geo

Buddy, pasensya ka na,
Pero gusto kong sabihin at aminin na lahat ng aking saloobin.
Mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa’yo,
Dahil, magkaibigan tayo.

Oo, magkaibigan tayo,
Lahat ng kwento mo, nakikinig ako,
Kapag gusto mo umakyat ng bundok,
Isang sabi mo lang, sumasama ako sa’yo,
Madali o mahirap man ang trail,
Lagi akong game,
Pinipilit ko gumising sa 2am na Call time natin.

Oo, magkaibigan tayo,
Isang aya mo lang sa akin, katumbas na noon,
Ligayang walang humpay para sa akin.
Sinusulit ko, mga sandaling oras na parang ikaw ay akin.

Hindi ko alam, pero masaya ako sa linggo-linggong kasama ka,
Bundok, sinehan at kainan na tipunan natin.
Sumasayo ako, sa kakarampot na oras na nalalaan mo sa akin.

At Buddy, sa lahat ng ito, ako ay may aaminin.

Patawad, pero lihim na kitang minamahal.
Oo buddy, mahal na kita,
Hindi ko na kayang magkunwari pa.
Patawarin mo ko,
Dahil alam ko, hindi na to patas sa’yo.

Pero wag ka mag-alala, sa ganitong paraan ko na lang aaminin ito.
Sa letra at tula ko na lang ipapahayag lahat ng saloobin ko.
Dahil wala ka na,
Ikaw na ay nasa malayo, tinutupad ang pangarap mo,
sa lupain sa ibaba ng kinatatayuan ko.

Pero Sa pagkakataong ito, kailangan ko magsinungaling sa’yo,
Kung noon, kaya ko sumagot ng diretso na magkaibigan tayo
Ngayon,
Sa tuwing tatanungin ako kung ano ba tayo,
Hayaan mo, pananatilihin ko ang pa rin ang
Sagot na “Magkaibigan tayo”,
Kahit ang totoo, ikaw na ang “Mahal ko.”

– Zade

(Visited 2,261 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments