No Closure: Iniwan Ng Walang Dahilan

No Closure

ni Anonymous

This is “To The Guy I Loved The Most,” but broke my heart in return.

It took me quite a long time to find the right words to say these, so here you go. Makinig ka sa huling pagkakataon. Gusto ko lang sabihin lahat. Naiipon kasi yung sakit pag tinago ko lang sa sarili ko. Unsaid feelings are the worst, sabi nga nila.

Sorry, sorry kasi dapat hindi ko na nararamdaman to. Sorry, kasi kahit wala na, andito pa rin ako. Andito pa rin ako sa lugar kung saan mo ko iniwan. Maraming nagbago, pero bakit yung pagmamahal ko sayo, ganun pa rin? Sorry, kasi ang tanga ko. Sorry, kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako na magbabalik ka. Sorry, kasi isang text/chat mo lang, andiyan na ko. Sorry, mahal pa rin kita. Hindi ko sinasadya, sorry. Sorry talaga.

I was so fragile back then, I was scared of being hurt again… but darn, I let you in. Without second thoughts, I let you in. Even when I was still vulnerable, I let you in. I trusted you at sana hindi na lang, pero naisip ko na baka iba ka. Baka ikaw, maiintindihan mo ko. Kaso nagkamali ako. Nakakatawa nga eh, kasi isa ka lang din pala sa kanila. Akala ko hanggang dulo tayo, kasi yun yung naging kasunduan natin diba? Akala ko lang pala. Alam mong nasaktan na ko dati pero di ko akalain na ikaw pa mismo yung lalo pang mananakit. Sabagay, mas madali nga namang iwan na lang ang isang bagay kesa naman magpagod kang ayusin pa diba?

Gusto ko lang malaman mo na ginawa ko lahat, but you didn’t love me enough to stay. Hindi ko nga alam kung minahal mo ba talaga ako eh. Basta, hindi ako naging sapat. Kahit ako na lang eh. Kahit ako na lang yung dahilan para manatili ka pero tinapon mo lahat. Tinapon mo, binalewala ng ganun kadali. Isa’t kalahati akong umiyak dahil sa’yo. Ilang araw din ang sinayang ko kakaisip sa’yo na sana sarili ko na lang yung inuuna ko. Hanggang ngayon din naman, sa totoo lang. Hindi mo kasi alam yung pain ko. Ni katiting hindi mo alam kung gano kasakit. Hindi mo alam kung gano kahirap mismong paggising ko sa umaga, unang maiisip ko, “Ganto ba ko kaworthless?”. Yung ayaw mo na lang gumalaw, bumangon, pumasok. Yung gusto mo na lang ulit matulog at wag nang magising.

Even my friends can’t make me happy anymore. Wala na yung dating ako. Hindi ko alam na sobrang durog na pala ako na sa tuwing tumatawa ako, gusto kong umiyak. You destroyed me. Wala na rin akong tiwala sa lahat. Sa mga kumakausap sa’kin na lalaki, iniisip ko na sasaktan lang din nila ako kaya di ko sila dapat kausapin. Napakapait na lahat ng nakikita ko.

Tandaan mo, ako yung babaeng binasura mo sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sa’yo. Ako yung nagmahal lang pero pinili mong saktan lang. Ako yung nagmahal sa’yo sa kabila ng pagbigay mo sa ‘kin ng libo-libong dahilan na wag na. Ngayon wala , okay ka na, masaya ka na.

Siguro ngayon hindi mo pa maiintindihan mga sinasabe ko pero soon, you will. Time will come na mawawala rin sila. Kasi di ba temporary lang ang lahat. Sa ‘yo ko natutunan yun eh.

Eto na yung huling ganto ko sa’yo. Hindi na kaya ng puso ko eh. Pagod na siya at pagod na rin ako. Sabi nga nila, “Pag mahal mo, ipaglaban mo”. Sumugal naman ako. Nagtiis, nagsakripisyo. Pero di mo yun nakita. Ang tanging nakita mo lang, mga pagkakamali ko. Na nakakasakal ako, na paranoid ako. Pero yung mga bagay na ginawa ko para lang manatili ka, hindi mo yun nakita. Hindi mo nakita ang lahat ng yun. Pero siguro tama na yung ginawa ko. Sapat na yun, di ako nagkulang. At siguro rin hindi lang yun yung dahilan kung bakit mo ko iniwan. I believe there’s more than that. Kasi you wouldn’t leave me without hesitation, or maybe you just didn’t love me at all, maybe what you had for me wasn’t love.

Maging masaya ka sana. Yan lang naman gusto ko para sayo. Yung sumaya ka. Kahit di na ko yung rason. Di man ngayon, pero balang araw marerealize mo yung worth ko. At balang araw, sasaya rin ako. Di pa siguro ngayon, ayokong magmadali. Sobrang sakit pa eh, but I can’t wait for the day when thinking of you no longer hurts. The day when I don’t compare every guy I meet to you. The day when my happiness no longer depends on you. The day when I can say I no longer love you and mean it.

Ito na yung huling pagkakataon na magmamahal ako. Ikaw na yung huli. Ayoko na. Saradong sarado na yung puso ko sa lahat at dahil sa’yo yun. Pagod na pagod na ko. Sawang sawa na ko. Ang sakit sakit na kasi. Ilang beses ko namang sinubukan na ayusin yung relasyon natin pero sa tuwing pinipilit kong ayusin, ibabasura mo lang din. Sayang lahat. Yung oras, effort, pagmamahal. Lahat lahat yun sinayang mo. Sana may madaling paraan para malimutan ko lahat ng pagmamahal ko sayo. Ginawa ko naman lahat eh, pero wala pa rin. Kaya pasensya na kung sumuko na ko ah? Pakiramdam ko kasi sobra na yung sakit na nararamdaman ko galing sa isang taong minahal ko naman ng sobra pero di man lang nakita yung halaga ko. Siguro kapag nawala na ko sa buhay mo, dun mo malalaman na importante pala ako sa’yo.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleBakit Nagkaganito?
Next articleSaranggola