Number 1 Basketball Supporter No More

fan no more

Hi itago nyo nalang ako sa pangalang dude. Matangkad, moreno at basketbolista. My girlfriend ako, i mean ex girlfriend na kaso tinuturing ko pa ring girlfriend ko kasi mahal na mahal ko pa. Here it goes, yung ex girlfriend ko na yan ang number one inspiration ko pag dating sa basketball. Kasi everytime may laro ako sa school o sa barangay league man ay hindi sya nanonood, hahahahaha lagi nya lang sinasabi na manonood sya pag finals na or championship game na namin. Kaya na momotivate ako na mas gagalingan pa lalo at umabot sa championship para manood sya ng laro ko. Pang limang championship game na siguro ang napanood nya na naglaro ako. Until may dumating na isang malaking league sa barangay namin, as usual ang sabi nya lang “Baeby, galingan mo sa bawat laro ah, sana umabot kayo ng finals para makapanood ako” naintindihan ko naman kasi nagrereview din sya for LET tsaka sanay na ako na tuwing championship game lang sya nanonood. At ayun ginalingan ko din naman kasi malakas din naman yung team namin. First round crossover game, second round crossover game at dumating na kame sa semi finals. Nang biglang nagkaproblema, lagi nalang kame nagaaway at di na kame nagkakasundo. Hanggang sa dumating na sa family namin yung problema at hanggang sa humantong sa hiwalayan. Ang sakit sobra pero kailangan tanggapin. Semi final game na namin kinabukasan at fortunate naman at nananalo at nakapasok sa finals. Isang araw bago ang championship game, excited na ang lahat. Ang trophy and cash prize handa na. Ang saya na nang lahat, habang ako nasa sulok at walang gana maglaro kasi wala na!!!! Wala naaaa yung number supporter ko. Yung araw na yun tinext ko sya, humingi ako ng pabor na sana pumunta sya sa laro ko at manood kasi sya yung naging motivation ko para umabot kame ng finals. At walang reply akong narecieved.

At eto na, eto na yung araw championship game. Nagsisigawan na ang mga tao kung kaninong team sila. Natapos na ang 1st half at lamang kame ng sampung puntos. 3rd quarter nung naglalaro ako ng biglang tumama ang mata ko sa kanya. Nandun sya!!! Nakatingin. Ang saya saya ko, feeling ko champion na ko dahil nakita ko sya. Mas ginalingan ko pa lalo ang laro ko, nang biglang may yumakap sa kanya. Isang lalake sa kabilang kuponan, yun na pala ang bagong boyfriend nya. Ang bagong boyfriend na kalaban namin. Ang sakit sa puso, dahil akala ko ako ang sinusuportahan nya, hindi pala.
Yung araw na yun, natalo kame. 91-90. Dahil sa isang tira ko na di pumasok. Dahil gulong gulo ako sa mga oras na yon. Salamat dahil pumunta ka kahit di na ako ang rason.

But anyways, I still wish you all the best the world could give, love. Always pray and take care always. I already quit basketball love at may magandang work na din ako ngayon. Wala na akong balita sayo, sana masaya kana. Yun lang naman ang gusto ko sayo.

WMSU
ZAMBOANGA CITY
2019

(Visited 3,342 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments