Paano Ba Ang Magmahal?

Paano Ba Ang Magmahal?

Hi po Tito and Tita, nag-Pm po ako dahil gusto kong malaman kung paano ko malalaman kung mahal pa talaga ako ng boyfriend ko. Sana po ay bigyan n’yo ako ng signs na mahal n’ya pa po ako. Isa po kasi s’yang masahista sa isang spa. May staff house po silang tinutuluyan at may mga kasama s’yang mga babae na kasamahan n’ya rin po sa trabaho.

Dati po kasi, sobrang sweet n’ya. Ngayon po, nagbago na siya. Di na rin s’ya masyadong sweet sa ‘kin. Ano pong gagawin ko?

Pero sinasabi n’yang mahal n’ya ako, pero lagi siyang busy. Sana po pag na-post ito, ‘wag n’yong ilagay yung pangalan ko.

Advice at tips lang po. Kailangan ko dahil alam kong madami na po kayong natulungan. Salamat po.
– Brenda

OUR REPLY:

HE SAID: Hi Brenda, obviously, nagdududa ka sa kanya mostly dahil sa work niya at workmates niya, right? Well, at this point, it’s not yet confirmed na may di magandang nangyayari sa workplace niya dahilan na mawala na ang love niya sa yo. Maaaring busy lang siya talaga at dahil nga sadyang pagod siya (ikaw ba naman ang magmasahe ng buong araw, di ba?), di na siya as sweet. Sweetness may be defined several ways but really, it doesn’t define if a person loves you less (or more), right? So, for now, talk it over. Don’t judge him just yet. Give him a chance to express his side. If he’s still committed to you, you’re ok. Best thing to do now is to pray for him and your relationship.Laban lang. 🙂 God bless! – Tito Homer

SHE SAID: Hello Brenda. Isa lang ang masasabi ko. Dapat mag usap kayo ng mabuti para magkaunawaan kayo. Walang ibang tao ang makapagbibigay sayo ng sagot kung hindi ang boyfriend mo lang. Ikaw lang din ang makakasagot kung ang mga ipinakikita nya at sinasabi sa iyo ay totoo. Magdasal kayo ng magkahawak ang kamay bago kayo mag usap at dapat maging totoo sa mga sasabihin nyo sa isa’t isa. Pero maging handa ka rin sa magiging sagot niya at desisyon. Ilagay mo sa puso at isip mo na ang katotohanan ang mag aayos sa inyong relasyon. Pray for guidance and strength. God bless 😊 -Tita Jinky

(Visited 14 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments