Sa Ngalan Ng Pag-Ibig

Sa Ngalan Ng Pag-Ibig

Good pm po. Ask lng po ng advice.Naghiwalay po kami ng asawa ko dahil sa ibang babae. Nagsasama na po sila. Kasal po kami at may dalawang anak. We have still communication kahit po hiwalay na kami. Kaya lang po, di po alam ng babae. Sa tuwing nasa biyahe lang po s’ya tumatawag sa akin at gumagamit po ng ibang cellphone para lang po di malaman ng babae n’ya ngayon. Ask ko lang po kung dapat ko pa po bang ituloy ang pakikipag-usap sa kanya?

Salamat po and God bless po sa inyo. Itago n’yo na lamang po ang aking tunay na identity.

– Cristina

OUR REPLY:

HE SAID: Hello Cristina, Ipaglaban mo ang nararapat sa iyong mga anak dahil yun ang tama. Di lang basta mo itutuloy ang pakikipag-usap sa kanya, kundi makipagkita ka pa. Ipag-pray natin na magising ang asawa mo sa katotohanan. Makipagkita ka at yayain mong magsimba kayo. Magdasal kayo na maayos ang lahat. Ito ang nais ng Diyos. Pray for God to clear his mind, his heart. We will pray for you. – Tito Homer

SHE SAID: Hi Cristina. Unang una, hindi dapat ikaw ang tinatago ng asawa mo. Kasi kayo ang legal. At kung kaya mong ipaglaban ang asawa mo gawin mo. Huwag mong kalimutan na ikaw ang may karapatan. Kung mahal mo pa sya at mahal ka pa nya, walang dahilan na magkalayo kayo. Pray to God to help you overcome this. Ask your husband to pray with you. Pray also for the girl to be enlightened. We will pray for you. God bless. – Tita Jinky

(Visited 2,260 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments