Time To Go

Time To Go

Hi Tito Homer and Tita Jinky, gusto ko lang po sanang humingi ng words of wisdom nyo pong pareho and ng other readers na katulad ko.

Meron po kasi akong girlfriend and LDR po kami.

Nahihirapan po syang mag tiwala sakin dahil former “babaero” daw po ako for her. Alam ko din po na dahil malayo ako kaya sya ganoOn. Pero alam ko po at alam po ng Diyos na wala po akong ginagawang mali at kalokohan na makakaapekto sa relasyon namin. Kahit na simpleng word ko lang ay napag aawayan na po namin at palagi na lang nIya akong tinitiis. Pero pag pinilit ko naman ang gusto ko na kausapin nya ako at ayusin na namin ang problema dahil sa maling pagkakaintindi nya ay agad agad na lang nIyang sinasabi na “mag break na lang tayo, di kita deserve, di ako para sa’yo” — ako ay nasasaktan at pakiramdam ko ay ganon ako kabilis iwanan.

Pero dahil hindi ako napapayag kaya nagiging okay din po pero ang problema ko po ay wala na akong maramdaman sa bawat away namin at sa bawat pakikipag-hiwalay niya sa’kin everytime na mag aaway kami.

Di pa kami ganoon katagal and we met each other online. Nagkita na din kami and nakapag plano na din kami for our future kaya hindi ko siya pinapabayaan na mawala sa buhay ko. Hindi ko siya mundo pero malaking parte na siya ng mundo ko. One more thing, even my past pinag-aawayan pa rin namin. Iniintindi, sinusuyo ko siya, after and before duty ko sa work sa kanya nakalaan ang oras ko at kahit na mag kaaway kami di ko siya pinapabayaan na maging ganoon lang ang moods niya dahil gabi na naman ako uuwi pero parang pakiramdam ko ginagawa na lang po niyang habit yun.

Ano po kaya ang maaari kong gawin para mas paniwalaan po nya ang bawat salita ko na may kasamang action naman po? I want her in my life. Pero hindi ko na po alam kung paano ko mababago yung ganong attitude niya.

Salamat po kung may response po kayo and God bless to the both of you po.

-Ed

OUR REPLY:

HE SAID: Hi Ed. May hangganan ang lahat ng bagay, pati ang paghihintay at pagpapasensiya. If di mo na siya mapaniwala sa panahong ngayon, di kaya sadyang ayaw na siya sa yo? Baka naman gumagawa na siya ng paraan para bumitaw ka na? Give her freedom. Give yourself freedom as well. The if kayo talaga sa huli, why not? But for now, move forward. Pray for guidance and calirty. Mas lilinaw ang lahat. God bless! – Tito Homer

SHE SAID: Hello Ed. Tiwala ang isa sa pinaka importanteng bahagi ng kahit anong relasyon. Mahirap paniwalain ang taong iba ang paniniwala at tingin sa pagkatao mo. Oo gusto mo sya, ngunit siya ba ang babaeng inilaan ng Panginoon para sa iyo? Walang patutunguhan ang relasyon na puno ng pagdududa. Sa ngayon ay sinusuyo mo siya. Pero hanggang kailan mo gagawin ito? So sa tingin ko sa susunod na makipaghiwalay siya sa iyo ay pabayaan mo na. Baka makapag isip-isip siya pag hindi mo siya sinuyo. Siya naman ang babalik sa iyo. Kung hindi naman, baka naman may ibang inihahanda ang Panginoon para sa iyo. Pray for direction and guidance. God bless! – Tita Jinky

(Visited 3,360 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments