Tama na ba yung Chance?

chance

Hello po. I’ve been with a 3-year serious relationship. And ayun FINISH na. Member na naman po sa mga bitter at walang #forever.. anyway, tama naba yun na chance binigay ko? Ako ba ang merong mali? Dapat ba mas nag.antay paku?

Before ko xa sinagot. Nung una palang sinabi kona sakanya na galing na ako sa 8 years relationship (that was my 1st relationship) na if ever mag.commit ako sakanya ayaw ko na ng matagalang relasyun, gusto ko naring mag.settledown kasi at that time i feel ready and if i want a relationship i want it to be serious that will lead to marriage. (Diko kasi tinuturing na laro ang relasyun). Ayun. Naging kami. Masaya. Na inlove. Nag.commit.
Problem in the long run? Walang progress..diko nakikitang nag.reready xa..okay naman kami. Para sakin we compliments each others personality. Umabot ng 1 year and half..merong confrontation, nag ask ako ng assesment asan na kami sa relasyun namin? Ayun dumating sa point na “dixa ready” “dipa nya raw kayang ibigay ang commitment na gusto ko na level di nya kaya” (at that time before ko xa sinagot alam ko ano ang weaknesses nya as a Man i know he is not financially ready and di pa stable job) which is sakin naman ay meron naku stable job at kumikita rin naman ng maayos. Pero despite that sinagot ko siya kasi gusto ko siya alam at aware ako sa weaknesses niya. Willing ako to make things work kasi naniniwala na “di naman PERA” ang makakapag.pasaya. YES im happy with HIM kahit me mga bagay na wala sakanya at di nya maibigay.

Ayun dahil ako ang matigas na ulo., kahit sinabi nyang di nya kaya yung commitment na gusto ko. Ako ang hindi bumitaw. Ako ang di pumayag na maghiwalay kami (tanga po?)..pero ive been battling those emotional insecurity kasi pinaramdam nya sakin na OKAY lang na mawala ako sakanya. NA AKO yung gumawa ng paraan para MAGING OKAY lang kami. nag.halo yung emotion na GUSTO ko siya at the same time gusto ko ng LUMAYO. kaya ayun! Naghanap ako ng paraan lumayo sakanya kasi we have the same office before at alam ko na hindi ako makaka.moveon kung everyday lang kami magkikita. I then decided na mag.channge ng PROFESSIOn Which led me to become a Police Officer.

Akala ko OKAY na..akala ko pwde naku makapag.MOVEON kasi its been months na walang cellphone no contact sa loob ng training center. Pero ayun! Natapos ang 6mos training BUMALIK padin ako sakanya. KAMI ULIT. SUMAYA AKO/KAMI ULIT. Pero deep inside me i know na yung EMOTIONAL insecurity ko saknya di padin nawawala.

MALI ba ako? Ang gusto ko lang naman makita sakanya e yung level na HINDI NAXA PAPAYAG MAPUNTA AKO SA IBA? Yung Tipo na E.SECURE niya ako sa relationship na Hindi lang GIRLFRIEND na yung status (atat ba ako? Ako ba ang Mali?) (2years na kmi dat tym) Nang.nagkita kami ulit pagkatapos ng training ayun madami xa pinagsisihan na realize niya yung WALA ako sakanya. At that time din meron naxang job na mas OKAY yung income compared before. I waited. Nag antay umasa na sana dat year merong STEP UP sa relasyun namin. YUN lang man inantay ko? Mali ba? Mali ba para sa isang babae sabihin kung ano ang gusto? Di naman kasi ako bata para sa relasyung pang.Bf/gf lang na walang GOAL saan.

Nag.3years kami..umabot na sa napagod na ako mag.antay. ds year 2018 meron na ulit confrontation na nangyari sa status relationship namin. At ayun! Bumalik lang sa DATI..😣 despite na meron siyang income..nasabi pa din niya na “sorry diko alam saan napunta pera ko. Sorry..na mis manage ko pag handle” at anong eexpect ko? Gumuho nalang ulit mga expectations ko..mali ba ko? Mali ba na umasa?na kahit mag propose lang? Mag.handa lang man xa para sa future? 😣 diko naman pinaramdam sakanya na mas Alpha ako when it comes sa money or work. I’m willing to compromise..ang Gusto ko lang naman makita yung BUO niyang decisyun yung EFFORT na KAHIT ANO MANGYARI PAG.EEFORRTAN niya na magiging KANYA ako. YUN lang man gusto ko?

NAGTAPOS. NAG.CLOSURE. bumitaw siya..ng sabihin kong AYAW ko na. wala naman siyang GINAWA kahit deep inside gusto ko sana sana ipag.laban niya ako. TANGA BA? Hahayyyyyyy

8 Years-failed! (Same issues yung guy di ready di nagtapos ng pag.aaral at wala magandang work, napagod ako sa pag antay at pag encourage para sa aming future pero wala. NAPAGOD.NAGHIWALAY)
3years failed! AYAW mag.commit ng GUY. Despite clear ako sa intention at kung ano gusto ko sa relasyun kapag papasok ako. 😣

salamat sa pagbabasa. Sa ngayon po? Bitter ako to the point na gusto ko nalang ng ANAK. ill be turning 29 nxtyear hindi sa na pressure ako but yun na po talaga gusto ko gusto ko na ng BABY. nagsimula yun na desire nung nag.25 ako..pwde baby nalang? Wala nalang partner. Napagod na kasi ako. Nakakapagod ang relasyun.

Salamat.

– Lory

OUR REPLY

HE SAID: Hello Lory, all is not lost. God has His perfect plans for you, more than what you intend for yourself. Chill ka muna. Career muna. Kailangan mo din namang maging stable kung talagang nais mo ng mag-pamilya. Yun lang, mas mainam na kumpleto ang family. Maghintay. Darating din ang tunay na para sa iyo. Don’t look for the perfect guy. Instead, be the perfect would-be wife.Pray for God’s plan for you. Sa ngayon, ipagdarasal ka rin namin para sa healing at plans ni God for you. God bless! – Tito Homer

SHE SAID: Hi Lory. Sa lahat ng relasyon dapat ay bigayan. Hindi pwedeng idikta kung ano ang gusto mo. Mas maganda sa susunod mong relasyon ay antayin mong sa lalaki manggaling na gusto niyang magpakasal. Ngunit sa umpisa pa lang ay linawin mo na gusto mo nang mag asawa. Para klaro sa kanila na seryoso ang hinahanap mo na relasyon. Magdasal kang mabuti at hingin mo na ipagkaloob sa iyo ang lalaking maninindigan at kaya kang ipaglaban. Yung gusto mong magkaanak lang ay hindi ako sang ayon. Mas maganda pa rin ang buong pamilya upang may maipagmamalaki ang mga magiging anak mo na mayroon silang tatay at nanay na lubos na nagmamahal at nag aalaga sa kanila. May God answer your prayers. God bless 😊 – Tita Jinky

(Visited 2,244 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleMag-aanak na lang?
Next articleTime To Go