Mag-aanak na lang?

Mag-aanak na lang

Good evening po Sir and Madam. I’m Jinny po from Bacolod City. Will be 30 on this coming August po. Single for almost 9 years. Sobrang nakakawalang respeto po ba ung ginawa ko? My closed friend po kase ako na guy and sabe ko po sa knya e anakan na lng ako, kase feeling ko naman po e hindi na ako magkak-asawa, and single dn naman iya like me. Pero ndi nman po siya pumayag. Sabi po niya e, malaki daw po ung respeto niya sa’kin, and hindi niya un kayang gawin sa ‘kin. And i feel ashamed po sa sarili ko.

Thanks po. Gobless po sa inyo.

-Jinny

OUR REPLY

HE SAID: Hi Jinny, from the point of view of a guy like me, besides being a friend (if ever), bukod sa respeto sa yo, respeto din sa sarili ko ang mangingibabaw. Alam mo yung feeling na palahian lang? Ganun. Well, that’s the truth. So, ayun, mali talaga. Mas mainam, mag-sorry ka dun sa friend mo. Sabihing nabigla ka lang. Which is probably true naman. May kilala kaming girl and guy (friends sila) na same sinabi ng girl dun kay guy. After a few years, nagka-relasyon din naman sila ng iba. So ayun, happy na sila sa kanya-kanyang ka-relasyon. Besides, eh ano kung single ka? Required ba ang magka-relasyon bilang isang human being? May timetable bang sinusundan? Sa totoo lang, just seek God’s plans. Yan ang dapat na pagtuunan ng pansin. Maghintay. Darating din. Trust, believe, surrender all to Jesus. Sagot ka niya, ok? God bless! – Tito Homer

SHE SAID: Hi Jinny. Sorry pero kailangan ko sabihin sayo ang totoo. Nakakahiya talaga ang ginawa mo. Mabuti na lang at mabait ang kaibigan mo. Alam mo ba na napakalaking responsibilidad ang maging isang magulang. Lalo na kung magiging single mom ka, kasi dalawa anf gagampanan mo. Ang maging nanay at tatay. Age are just numbers so don’t be pressured. E pano kung ang plano naman pala ni Lord para sa iyo at maging single lang? Huwag mo pangunahan kung ano ang nakalaan para sa iyo. Maging masaya ka sa kung ano ang mayroon ka ngayon. Pray to God to bless you with the right man. God bless 😊 – Tita Jinky

(Visited 2,232 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments