Option Lang

Option Lang

Hello Po, Hindi ko po alam kung paano uumpisahan pero ganito po kasi yun, naging boyfriend ko po yung crush na crush ko noon siya po yung first love ko tumagal po kami ng 6months, yung first 3months po naging okay naman po kami legal po kami sa mga magulang namin pero sa mga sumunod po parang wala lang po sakanya as in di na niya po ako kinakamusta ako nalang po nag kekeep nung relasyon namin hanggang sa nakipaghiwalay nalang po ako, matagal po akong nag move on nun sobrang sakit po kasi nagka bagong gf po agad siya at nakikita ko pa po silang magkasama, lumayo po ako sa amin alam ko po sa sarili ko na walang nagbago sa pagmamahal ko saknya kaya nung umalis po ako parang nakamove on na po ako ramdam ko po yun as in wala na po ako pake saknya may isang beses pa nga pong nakasma ko sila ng bago niyang gf sa isang inuman naming magkakaibigan at alam ko po sa sarili ko na wala akong nararamdaman saknya noong time na yun.

Nung mga nakaraang buwan po nagkaroon kami ng komunikasyon nung nagbreak sila ng gf niya, nagng okay po kami nun naging magkaibgan na po kami kasi nagshashare Po siya tungkol sa ex niya at ako naman po ay nag aadvice.

Umuwi po ako last month at tuluyan na po kaming naging okay parang walang nagbago yung samahan po namin noong kami pa ganun pa kami nung umuwi ako may usapan po kami na sa December magkakabalikan po kami kaso ayun nga po ang hindi ko mafeel na mahal niya po ako iba po pinaparamdam niya sa sinasabi niya sobrang nasasaktan po ako feeling ko po option niya lang ako at sayang effort ko sa paglimot, Ano po bang pwede kong gawin?

Patago nalang po yung name ko. Salamat po. God bless you po.

– Badeth

OUR REPLY

Hi Badeth, thanks for messaging. Most likely, di pa siya seryoso at di maka-commit sa relasyon. Bata ka pa naman at mas ok to concentrate sa career muna. Go ka lang. Chill. May nakalaan na iba sa yo. Pray lang. God bless! – Tito Homer

Hello Badeth. Sa ‘yo na rin nanggaling na feeling mo option ka lang nya. So the best way to do is to just stay friends with him. If you can be friends without falling for him. But if you think you can’t, just stay away from him. Somebody who really loves you will always make you his priority. So pray for the right guy. Don’t rush. E ano kung single ka. It’s better to be single than be in a wrong relationship. God bless 😊 – Tita Jinky

(Visited 3,236 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments