Bida ang Sawi

Bida ang Sawi

by Maria S | shared on He Said, She Said |

Hanggang sa huling pagkakataon
pilit mong tinatanggi ang lahat.
At sa kabila ng lahat,
minamahal pa rin kita.

Wala kang narinig sa ‘kin,
ni hindi ako nagkaroon ng chance para magalit sa ‘yo
dahil mas nangingibabaw yung pagmamahal ko,
mas pinili ko maging matapang para sating dalawa.

Willing pa ring akong tanggapin ka at ipaglaban ka.
Pero bumitaw ka na para kumapit sa iba.
Pilit kitang hinihila pabalik sa ‘kin
Pero nagpatangay ka na talaga sa iba.

Hindi ko alam paano mo nagawa sa ‘kin ‘to.
Alam ko, hindi ako perpekto,
marami kang mairereklamo
pero hindi mo maitatanggi sa sarili mo na
buong puso kitang minamahal ng totoo.

Anumang dahilan mo
Anumang kakulangan ko
Sana hindi mo na lang ako pinaasa na ikaw yung lalaking magmamahal sa ‘kin ng totoo.
Sana hindi mo na lang ako pinaniwala na ako lang yung nag-iisa sa puso mo.
Sana sinabi mo na episode lang ako para sa ‘yo
Kasi sa sobrang tiwala ko sayo, nilagay ko na yung TAYO sa title ng lovelife ko.

Mahal na mahal kita
Hindi dahil sa benefit ng pagkakaron ng partner
Hindi dahil sa mga regalo at surprises mo
Mahal na mahal kita
Dahil yun ang totoong nararamdaman ko at walang paliwanag para dun.

SANA..
Sana masamang panaginip lang ang lahat ng to,
para sa pag gising ko
meron pa ring IKAW at AKO.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Maria S | shared on He Said, She Said | Hanggang sa huling pagkakataon pilit mong tinatanggi ang lahat. At sa kabila ng lahat, minamahal pa rin kita. Wala kang narinig sa ‘kin, ni hindi ako nagkaroon ng chance para magalit sa ‘yo dahil mas nangingibabaw yung pagmamahal ko, mas pinili ko maging matapang para sating …

Review Overview

User Rating: 4.38 ( 3 votes)
0