Akala ko

by Rica Pellejera Bonifacio | shared on He Said, She Said |

Akala ko makakalimutan kita kapag nagpakabusy ako sa mga bagay na gusto ko

Nagbabasa ako ng libro halos buong araw sa loob ng ilang linggo.

Basa ako ng basa. Walang tulugan. Minsan walang kainan.

Baka manlabo ang mata? Ayos lang yan!
Dahil alam ko’ng wala ng mas lalabo pa sa katagang “TAYONG DALAWA”

Kinarir ko ang magbasa. Nakakagaan kasi ng loob.

Panandaliang nakakalimutan ang realidad.

Panandaliang nakakalimutan ka.

Nakakaramdam ng minsang saya.

Nakakaramdam na hindi ako nag iisa.

Pero isang beses umuwi ako
Habang nakahiga sa kama

Tulala.

Nakatingin sa kawalan
At napagtantong

……….kahit ano pala’ng gawin ko hindi pwedeng makalimutan kita.
Mahirap.

Pero ganun naman talaga
Kailangan,
Kailangang kayanin……

At sa bawat araw na pakikipaglaban sa paglimot

Tanging mga salitang ito lamang ang hindi ko padin maintindihan

Bakit nga ba natin minamahal ang taong hindi inilaan sa atin?

Mahirap intindihin
Pero kailangan mong sundin
Sundin ang turan ng iyong labi
Na kailangan na siyang limutin


Feel free to send in your essays or poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments