Ang Biglang Paglisan

Paglisan

ni Jhenny Labanen

Hi! Kamusta?

P’wede ko ba ik’wento ang istorya na meron tayo? Ang istorya na hanggang ngayon nag iwan ng isang damakmak na katanungan sa aking isipan. Sisimulan ko na.

Isa, dalawa, tatlo…
Tatlong taon tayo, tatlong taong pagsasama
Tatlong taon na naging masaya tayo
Tatlong taon na merong ikaw at ako

K’wentuhan, tawanan, asaran at kulitan yan ang mahilig nating gawin.

Isa, dalawa, tatlong oras kung mag usap tila ba’y wala nang bukas kaya nama’y kung mag-usap akala mo mauubusan na ng oras

“Good morning” message na lagi kong nadadatnan.

“Kumain ka na ba? ‘Wag kang magpapalipas ah? Mamahalin pa kita” mga salitang nag papaganda ng gising ko kahit na minsan tanghali nako magising ang mahalaga message mo ang nababasa ko.

Kung minsan may pa LSM ka pa — Long Sweet Message — sino ba naman ang hindi kikiligin?

Sa tuwing may sakit ka d’yan siya nagiging doctor ng mabilis bibilihan ka ng gamot, aalagaan ka, babantayan ka akala mo ang lubha ng sakit mo samantalang lagnat lang naman yun? Oh di ba ang sweet?

Yung tipong pag nag-aaway kayo sabay pa kayong mag so-sorry sa isa’t isa, yayakapin at sabay sabing “Mahal kita.”

Yung tipong bestfriend niyo ang isat isa. Susuportahan ka sa lahat ng bagay ma pa-basketball, volleyball, sayaw at kung ano ano pa. Yung tipong sandalan niyo ang isa’t isa ‘pag may problema andyan ang balikat niyo para sandalan ng isat isa.

Mga katagang “ikaw lang ang mamahalin,” o “ikaw ang gustong makasama habang ako’y nabubuhay.” Yan ang mga katagang pinanghawakan ng kay tagal. Pinanghawakan ko ang mga matatamis mong salita kasi tila ba’y ito’y totoo na kayang kaya mo talagang panagutan pero…

Pero bakit isang araw ang mga matatamis mong salita ay tila ba’y naging isang asin, asin na kahit ilagay mo pa sa tubig kahit kaylan hindi magiging matamis.

Bakit pag gising ko wala na yung “Good morning” o kaya naman “kumain ka na ba?”

Ano’ng nangyari? Dahil ba sa kataga ni Duterte na change is coming? Dahil ba sa hindi ako nakapag reply ng sampung segundo? Yang mga dahil na yan hindi ko maintindihan.

Ano nga ba ang dahilan ng bigla mong pag lamig? Dahil ba sa padating na ang mga bagyo? Maulan na kaya nilalamig ka nanaman? Dahil saan ba? Ano ba ang dahilan? Bakit pag gising ko isang araw wala ka na?

Bakit pag gising ko mag isa na lang ako? Ano ba’ng kulang? Ano nga ba’ng nagawa ko?

P’wede mo bang sabihin? Gusto ko lang malaman.

Tiktak!! tiktak!! Sabi ng orasan tila ba’y gusto nang sabihin sa ‘kin na “tama na.”

Ilang oras?

Ay teka ilang araw na pala ang lumipas simula nung araw na ikaw ay kanyang iniwanan.

Yung araw na huling beses ka nyang sinabihan ng katagang “MAHAL NA MAHAL KITA.” Oo ayun yung huling beses ko narinig ang katagang iyon.

Ok naman tayo di ba? Masaya naman tayo di ba? Pero bakit isang araw naisipan mo na lang na tapusin kung ano man ang meron tayo? Bakit yung isang araw na yun parang bigla ka na lang nagalit at nag desisyon na iwanan ako?

Hindi pa rin nawawala sa isipan ang mga katanungan. Ano nga ba ang dahilan ng iyong biglang paglamig? Ano nga ba ang dahilan ng iyong paglisan? Ano nga ba dahilan ng hindi mo pag balik?

Ang hirap pa lang iwanan ka nang hindi mo alam ang dahilan?

P’wede mo bang sabihin?

Nakikiusap na ‘ko — alam mo kung bakit? Kasi ang sakit sakit. Patuloy na tumutusok yung bubog na binaon mo sa puso ko para bang unti unti akong pinapatay.

Pakiusap ano ba ang dahilan ng iyong paglisan? Sabihin mo naman kasi hirap na hirap na ang puso’t isipan ko.

P’wede mo na bang sabihin? Kasi ang hirap manghula ng dahilan lalo na’t wala naman akong binigay na dahilan para ako’y iyong iwanan.

May mali ba sa ‘kin? May kulang ba? Sumobra ba ‘ko? Ano ba?

Sabihin mo naman kasi hirap na hirap na ‘ko sa kakaisip kung ano ang dahilan parang awa mo na. Sabihin mo na.

Ano nga ba ang dahilan ng iyong biglang paglisan?

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments