Bakit ikaw pa rin?

by Mayehana Mae Merrera Juacalla | shared on He Said, She Said

Bakit ikaw pa rin?
Ikaw pa rin ang nais na kasama
Sa bawat lugar na ninanais puntahan
Sa lumilipas na segundo, minuto, oras

Bakit ikaw pa rin?
Ang naiisip na kahawak ng kamay
Sa mga lakbay na nais tahakin
Hihigpitan ito ng hindi ka mawalay

Bakit ikaw pa rin?
Ang mga yakap mo ang laging inaasam
Sa bawat pagihip ng malamig na hangin
Umasa na yakap mo lang ang makakaibsan

Bakit ikaw pa rin?
Ang takbo ng isip
Ang laman ng bawat masasayang panaginip
Ang tibok ng puso na hindi titigil sa pagpintig

Bakit ikaw pa rin?
Nais makasama sa panghabangbuhay
Hindi na ikakaila na ikaw
Wala ng papalit
Ikaw lang ang gustong makapiling

Bakit ikaw pa rin?
Sa paglipas ng mga araw, buwan at taon
Ikaw parin, ikaw at ikaw pa rin
Hindi mauubusan ng dahilan kung bakit

Bakit ikaw pa rin?
Ang huling naiisip sa pagidilip
Ang unang salita sa isip pagkagising
Ang laging takbo sa utak

Bakit ikaw pa rin?
Ang nagpapadama ng kakaibang pakiramdam
Na sa bawat romantikong pelikula
Ninanais na ikaw at ako ay ganun din

Bakit ikaw pa rin?
Na kahit paulit-ulit ng tumulo ang luha
Ang pait ay laging nakukuha
Sakit na ako’y sanay na

Bakit ikaw pa rin?
Sabihin mo, bakit ikaw parin
Ang bawat kantang nais ulit ulitin
Ang mga liriko na tumatak sa utak

Bakit ikaw pa rin?
Ang nais makasama sa dapithapon ng buhay
Hanggang sa kalimutan na ng lahat
Ikaw lang ang nais kong makalala sa akin

Bakit ikaw pa rin?
Hayaan mo akong tanungin ka.
Hayaan mo ako naman.
Ako pa rin ba?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments